Humoldap sa Mandaluyong City investigator chief utas

TUMIMBUWANG sa putukan ang isa sa dalawang lalaking humoldap sa mismong hepe ng Mandaluyong City police criminal investigation unit (CIU) habang sugatan naman ang pulis na umalalay sa una, kaninang umaga.

Walang pagkakakilanlan ang napatay na holdaper na nagtamo ng tama ng bala mula sa 9mm pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang nakatakas naman ang kasama nito.

Ginagamot naman  sa Polimedic Hospital sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan si SPO2 Elmer Santos, miyembro ng Mandaluyong City Police.

Ikinasa na ang pagtugis sa nakatakas ng isang suspek na pinaniniwalaang nasugutan din sa palitan ng putukan.

Ayon kay Senior Superintendent Armando Bolalin, Mandaluyong police chief, naganap ang engkuwentro sa government housing area para sa mga pulis sa Fabella St. Barangay Plainview, Mandaluyong City.

Bago ito, hinoldap ng mga suspek na lulan ng motorsiklo si Police Inspector Jaime Masilang, hepe ng city criminal investigation unit na noon ay pasakay sa kanyang kotse na noon ay nakasibilyan lamang.

Nakulimbat ng mga suspek kay Masilang ang mga alahas nito, pitakang may lamang pera at susi ng kanyang kotse.

Matapos umalis ang mga suspek, sinenyasan ni Masilang si Santos na kanyang kapitbahay para habulin ang mga suspect kung saan kanyang naabutaN at napatay ang isa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply