Hustisya nakamit ng pinatay na QC trader

PINANINIWALAANG nabigyan na ng hustisya ang brutal na pagpatay sa isang babaing negosyante sa Quezon City noong Abril 2010 nang masakote ng pulisya ang pang-apat o panghuling suspek sa Tacloban City kahapon (Biyernes, Setyembre 2).

Hindi na nakapalag at sumuko agad sa mga miyembro ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang suspek na si Edgar Enrile.

Ayon kay SP02 Erwin Manalo, team leader ng CIDG, may nagbigay sa kanila ng impormasyon na dumating si Enrile sa Tacloban City kaya sa tulong ng isang impormante ay nalaman nila ang tinutuluyan ng suspek.

Bago ang paghuli kay Enrile, natalisod na rin ng pulisya ang dalawang suspek sa Leyte may ilang buwan na ang nakararaan habang ang isa pa ay pinatay naman sa Villareal, Samar.

Nakatakdang i-turn over ng CIDG Region 8 anomang araw ngayon si Enrile sa Quezon City Police District-CIDG para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Matatandaaang, pinatay sa saksak ng grupo ni Enrile ang negosyanteng si Sheryl Flores noong Abril 2010 sa Quezon City matapos itong holdapin at inabandona ang bangkay nito sa Rodriguez, Rizal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply