Huwag palayain ang buwaya

MAY panukala po na dapat palayain ang nahuling buwaya sa Mindanao na pinakamalaki raw sa buong mundo.

Ang sabi ng iba, para raw sa “humanitarian reasons” kaya dapat itong palayain.

Hindi ko po pinariringgan ang mga taong buwaya na may mrs. Ding buwaya kung sumagpang sa kaban ng bayan.

Hindi ko rin po pinatutungkulan ang dalawa pa raw  na  anak nitong matabang buwayang ito.

Ang sabi ng isang samahan kung tawagin ay People for the Ethical Treatment of Animals, dapat daw palayain ang nahuling buwaya sa Agusan del Sur, as in now na, para mamuhay nang mapayapa ang animal na ito sa kanyang “natural habitat.”

Maraming animal advocates na hindi ko maintindihan kung bakit mas mahal pa nila ang mga hayop kaysa mga tao.

Marami ring batas na pinagbabawalan ang tao na manghuli ng mga mamamatay taong hayop ngunit bakit kaya walang batas na pinagbabawalan ang mga hayop na pumapatay naman sa mga tao?

Ang panukala na palayain ang nasabing buwaya ay totoo namang hindi makatao.

Gusto nilang pauwiin na ang hayop na ang tawag ngayon ay Lolong upang makakain na ito nang maayos.

Malungkot daw ang buwayang ito at na stress pa dahil sa pagkakakulong niya.

Baliw na yata ang marami sa mga animal activist natin.

Palayain na raw uli ang buwaya upang makakain uli sa Agusan ng marami pang tao at mga kalabaw.

Anak ng kalabaw, nasaan naman ang lohika ng mga taong ito?

Ayon sa law of nature, to each his own.

Puwedeng kumain ng unggoy ang mga leon to preserve the ecological balance.

Ang unggoy naman ay puwede ring kumain ng ibang hayop na mas maliit sa kanila.

Nasa law of nature din na kung nakapipinsala ang isang hayop ay dapat din itong patayin to preserve the ecological balance.

Sabi nga ng Bible, man shall have dominance over all animals and plants to preserve mankind.

Mahirap bang intindihin ‘yan? Hindi ba ninyo memorized yan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply