Hyundai pasok sa 50 best global brands

NAKAPASOK sa listahan ng 50 Best Global Green brands ang kompanyang Hyundai sa ginawang sarbey ng Interbrand noong nakaraang buwan kung saan sa sampung bansa ay iniranggo ng 10,000 respondente ang Hyundai bilang ika-11sa overall competition at ika-4 sa pitong naglalaban-labang kompanya ng sasakyan.

Upang mapili ang top 50 brands, pinagtuunan ng pansin ang environmental records at pananaw ng mamimili sa kompanya, kabilang na rin sa pamantayan ang pagiging “eco-friendly, sustainable growth strategy, at corporate social responsibility” programs ng kompanya.

Salamat sa Blue Drive strategy ng kompanya, ang Hyundai ay nangunguna sa pag-develop ng mga zero-emissions hydrogen fuel-cell na sasakyan.

Kasalukuyang dinedevelop ng kompanya ang mga sasakyang (Blue On Vehicles) gagamit ng mga electric at electric hydrogen fuel-cell na makina.

Ang Hyundai Motor Group, na may suma-total na 5,300 dealer at showrooms, ang panlima sa pinakamalaking car manufacturer sa buong mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply