Iggy, bookkeeper kakasuhan sa chopper scam

TINIYAK ng isang senador na hindi makakaligtas sa kasong kriminal si Negro Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo kabilang ang bookkeeper ng LTA Inc. na hindi naisama sa isinampang plunder ng Criminal Detection and Investigation Group (CIDG) laban kay dating first gentleman Mike Arroyo.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, magsasampa ng hiwalay na kasong kriminal ang Senado laban sa kabiyak ng dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, kasama sina  Rep. Arroyo at bookkeeper nitong si Rowena del Rosario.

“We may likewise opt to include more individuals like Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo, Atty. Lope Velasco, and Rowena del Rosario at least for perjury and/or falsification of public and private documents.  Lastly, we may also consider to amend the charges against Mike Arroyo et al if we see it fit to file the more appropriate criminal charges in order to ensure their conviction,” ayon kay Lacson.

Nauna nang inamin ni Rep. Arroyo na siya mismo ang umarkila sa helicopter na binili ng dating first gentleman na napatunayan ng Senate Blue Ribbon Committee.

Si Del Rosario naman ang nagbabayad ng maintenance fee sa Lion Air Inc., na siyang nagmementeni ng helicopter na ibinenta sa PNP noong 2009 sa halagang P105 milyon.

Kaya tahasang sinabi pa ni Lacson na panahon na ng bayaran para kay Mike Arroyo matapos ang siyam na taong paghahari.

“If Mike Arroyo still does not get it, nobody in this world stays in power forever. It is payback time for the Filipino people and all those cheated of their taxes in this country,”  dagdag pa ng senador.

Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo tutol si  Sen. Gringo Honasan kaugnay sa plano ng Senado na sila na ang  personal na maghain ng kaso sa Ombudsman sakaling may  mauungkat na katiwalian sa pamahalaan.

Sinabi ni Honasan na ang trabaho talaga ng Kongreso ay ang pagbuo ng batas o pag-amyenda ng batas kung saan dapat aniyang panatilihin ng pamahalaan ang separation of powers sa tatlong departamento. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply