Ika-2 taong anibersaryo ng Ondoy pinaghahandaan na

PUSPUSAN na ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Marikina para gunitain ang ikalawang taong pagluluksa sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy na nanalasa noong 2009.

Magtitipon-tipon dakong 6:30 ng umaga sa Lunes (Setyembre 26) ang mamamayan mula sa iba’t ibang Barangay sa lungsod sa Kawayanan area, Marikina River Park Brgy. Sto Nino.

Saktong 6:45 ng umaga ay sisimulan ng ibaybay sa Marikina River ang Imahe ng Our Lady of the Abandoned at iba pang replika ng mga santo kasabay ng isang misa sa Marikina Statue.

Pangungunahan nina Mayor Del de Guzman at 2nd District Congressman Miro Quimbo ang Ceremonial Unveiling of the Symbolic Marker sa Marikina statue.

Magkakaroon din ng tree planting sa bahagi ng west bank ng Marikina River Park, habang magpapakalat naman ng unipormado at sibilyan clothes ang Marikina PNP para siguruhin ang kaayusan at katahimikan ng programa na posibleng samatalahin ng masasamang loob tulad ng snatcher, mandurukot at iba pang masasamang elemento.

Matatandaan na 68 katao ang namatay sa pananalasa ng bagyong Ondoy, base sa talaan ng Marikina City Disaster Coordinating Council.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply