Ilang PAL flights kanselado pa rin

KANSELADO pa rin ang may 62 domestic flights at 40 international flights ng Philippine Airlines ngayong umaga dahil sa mga nasirang ground equipment na sinira umano ng mga nag-sit down strike na miyembro ng Philippine Airlines Employees Association (Palea) kahapon (Setyembre 27).

Itinanggi naman ng mga nag-strike ang nasabing akusasyon at nakahanda umano sila na harapin ang anumang kaso na isasampa laban sa kanila.

Patuloy ang isinasagawang re-booking ngayon ng PAL sa mga na-stranded na pasahero at ang iba naman ay mabilis na nailipat sa ibang airlines. Sa kabila nito ay patuloy ang isinasagawang protesta ng may 100 miyembro ng Palea sa labas ng Inflight Center ng MIAA laban sa “outsourcing” na isinasagawa ng PAL na ayon sa management ay ginagawa nila upang ‘di tuluyang malugi ang kumpanya.

Ayon kay Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, ang isinagawang “work stoppage” ng Palea kahapon ng umaga ay paglabag sa Republic Act 9497. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply