Ilang pasahero sugatan sa tumaob na bus sa NLEX

DAHIL sa pagkakaipit ay nasugatan ang ilang pasahero ng pampasaherong bus na tumaob sa north-bound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) sa pagitan ng Bocaue at Sta. Rita Exit sa Bulacan ngayong hapon.

Nabatid na mula sa Maynila ang Saulog Bus Transit Incorporated (DXL-467) na may biyaheng Olongapo-San Fernando, Pampanga nang maganap ang aksidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, matulin ang takbo ng naturang bus nang bumangga sa isang 18-wheeler truck bago tumaob.

Sa pahayag ng ilang pasahero ay gumewang-gewang pa ang bus bago ito tuluyang tumaob at sumadsad sa gilid ng expressway.

Hinala ng mga awtoridad na inaantok ang drayber ng bus kaya naaksidente.

Sa kasalukuyan, dinala na ang ilang mga pasahero na nahugot mula sa pagkakaipit sa Bulacan Polymedic Medical Center sa Guiguinto, Bulacan at Bulacan Provincial Hospital sa Malolos City.

Samantala, nagkaroon din ng isa pang aksidente sa may south-bound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) pagkalagpas ng Meycauayan Exit.

Dalawa ang nagtamo ng minor injuries matapos na magkabanggaan ang tatlong malalaking trak.

Sa inisyal na pagsisiyasat ay lumalabas na miscalculation ng sasakyan ang pinag-ugatan ng aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply