Ilang tao na-trap sa gusali sa Maynila

KINUMPIRMA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na mayroong mga taong na-trap sa isang gusali sa Padre Faura St. sa Maynila.

Kahapon pa umano na-trap ang hindi pa mabatid na bilang tao sa isang gusali na napuno ng tubig dahil sa pag-apaw ng Manila bay sa Roxas Boulevard sa gitna ng pananalasa ng bagyong Pedring.

Matatandaan na umapaw ang Manila bay dahil sa malalakas na hangin na dulot ng bagyo na sumabay sa high tide kaya nagkaroon ng malalaking alon na sing taas ng puno ng buko.

Nagresulta ito sa pagbaha ng kalasada at ilang establisimyento sa mga karatig lugar ng Roxas Blvd.

Kasalukuyan ng nagkakasa ng tulong ang MMDA upang iligtas ang mga na-trap na tao sa nasabing gusali.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply