‘Imahe ng GMA gov’t dapat burahin’ – PNoy

HINIRITAN ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang pribadong sektor na makipagtulungan sa pamahalaan upang mapangyari ang tinatawag na “culture of integrity” para mabawi ang mga katiwalian umano ng nakaraang  administrasyon.

Sa idinaos na kauna-unahang Integrity Summit sa Marriot, Hotel sa Lungsod Pasay ay inamin ng Pangulo na mahirap ibalik ang integridad ng gobyerno at muling makuha ang tiwala ng taumbayan dahil sa mga nagdaang anomalya ng gobyerno ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“As we continue fixing what is wrong with government, I urge you to stand alongside us and do your part,” anito.

Pinaalala din ni Pangulong Aquino sa pribadong sektor na ang pinagsama-samang layunin na panatilihin ang integridad sa nasasakupang komunidad ay hindi nagtatapos sa “pledge of integrity” dahil ang kailangan ngayon ay ang pagkilos ng lahat ng sector.

“As you know, integrity was one of the battle cries of my campaign; and for the past 15 months, we have taken that battlecry to heart—working to foster a culture of integrity in government,” aniya pa rin.

Tinukoy nito ang pagkakatalaga niya sa ilang  opisyal ng pamahalaan na hindi makukuwestiyon ang abilidad at integridad.

Binanggit niya sina Justice Secretary Leila de Lima, Grace Tan at Heidi Mendoza ng Commission on Audit at Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

“Integrity has likewise shaped our budgeting process, which has saved our taxpayers billions of pesos simply by cutting funding for wasteful projects and putting the money to where it will benefit Filipinos the most,” ang pahayag ni Pangulong Aquino.

Gayundin ay ipinahayag ni Pangulong Aquino na sa susunod na linggo ay pupunta siya sa Estados Unidos upang dumalo ng mahahalagang pulong.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na inimbitahan siya  ni US President Barack Obama upang talakayin ang Open Governance.

“I will be proud to tell him, as well as the representatives of several other countries, how in the Philippines, the effort for integrity in governance—the effort for creating a transparent relationship between the people and their government—is one that is shared by the government and the private sector,” ayon sa Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply