Imbestigasyon sa maling paggamit sa road users’ tax, tuloy na

TULOY ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa kwestyunableng paggamit ng Arroyo administration sa nalikom na Motor Vehicle User’s Charges (MVUC) o road users tax.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, miyembro ng komite, partikular nilang tututukan ang pagsasalin ng P1.28 billion  mula sa MVUC collections na hawak ng

Department of Public Works and Highway tungo sa National Capital Region Police Office mula 2005 hanggang 2010.

Ayon kay Lacson, pinalitaw na para iyon sa OYSTER program o pagkuha ng mga taga-walis ng kalsada.

Nilinaw ni Lacson na labag iyon sa  batas sapagkat ang MVUC collections ay para sa pagmantini ng mga kalsada, pagpapaayos ng mga drainage at pagpapagawa ng mga road safety devices at air pollution control devices.

Binigyang diin pa ng senador na mali na isinalin ang MVUC funds sa PNP bukod pa sa hindi pa umano ito pinalitaw sa mga dokumento na tinanggap ng NCRPO ang nasabing pondo at walang resibo.

Sa mga naunang alegasyon, ang OYSTER program ay ginamit ng Arroyo administration para palitawin na maraming out of school youth na nabigyan ng trabaho dahil ginawang tagapaglinis sa mga lansangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply