Imbestigasyon sa NBN ZTE deal bubuhayin

PINABUBUKASAN ni Senator Panfilo Lacson sa Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon hinggil sa NBN ZTE scandal.

Ito ay makaraang hindi makuntento si Lacson na ang tanging naungkat lamang sa pagsisiyasat noon ay ang muntik na pag-utang ng gobyerno ng 330 million dollars buhat sa isang bangko ng China para sana sa interconnection ng government agencies sa pamamagitan ng broadband project.

Ang giit ni Lacson, lima ang components ng NBN ZTE deal na sa kabuuan umanoy 4-billion pesos ang sangkot na halaga.

Bukod sa broadband project, kinabibilangan ito ng cyber education project para sa public schools; ang mining projects sa Mt. Diwalwal at sa northern Davao at ang binalak na pagtatayo ng economic zone sa Davao.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply