Ina nagpakamatay, tig-1K iniwan sa 4 anak

NAG-IWAN ng P4,000 o tig-isang libo ang isang ina para sa mga inulilang anak bago nagpakalunod sa karagatan sa Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng PNP Balatan, dahil sa sobrang kahirapan ang nagtulak sa biktimang si Avelina Niebres, 46, ng Barangay Duran, para kitlin ang sariling buhay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 4:45 Lunes ng hapon sa Ragay gulf na sakop ng nabanggit na barangay.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, bago ang insidente ay maaga pa lamang ay nakita na ang biktima na sumakay sa isang maliit na bangka at lumayag sa gitnang karagatan.

Lingid sa kaalaman ng marami, mamasyal lamang ang biktima kaya  mag-isa itong naglayag sa karagatan. Pero nang makarating sa gitna ng karagatan ay bigla itong tumalon at hindi na nakita pa.

Ilang oras ang nakalipas, ini-report sa awtoridad ni Barangay Chairman Beinvenido Roll na natagpuan na ang bangkay ni Niebres na palutang-lutang sa karagatan.

Ayon sa mga anak ni Niebres, may iniwang suicide note ang kanilang nanay na nakasaad na  “bahala na kayong magkakapatid, magmahalan kayo, may iniwan akong apat na libong piso sa drawer, hindi ko na kasi kaya ang hirap ng buhay at apat na gabi na akong hindi nakakatulog.”

Positibo naman kinilala ng mga anak ni Niebres na sina Pandoy, Dennis, Randy at Vangie ang bangkay ng kanilang ina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply