Inang matalak tinambo ng anak, tigok

DAHIL menor de edad, pansamantalang kukupkupin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang 12-anyos na lalaking nakapatay sa kanyang sariling ina sa pamamagitan ng paghataw ng walis-tambo sa Benguet.

Ipauubaya sa DSWD ang suspek pagkalibing ng ina nitong si Flordeliza Antero Solis, 51-anyos bukas (Biyernes, Setyembre 2), ayon kay Benguet Provincial Police Office chief S/Supt. Benjamin Lusad.

Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong 10:30 ng umaga nitong Agosto 30 sa bahay mismo ng mag-ina sa Shilan Tili, Tublay, Benguet.

Bago ito, nabatid na inutusan ng biktima ang kanyang anak para bumili sa tindahan ng suka at asukal pero hapon na nang magbalik kaya napagalitan ito.

Sa gitna ng pagtatalak, kinuha ng suspek ang kanilang walis-tambo at walang tigil na hinataw sa iba’t ibang parte ng katawan ng walang kalaban-labang matanda.

Bagama’t naisugod sa pa ospital ay binawian din ng buhay kinagabihan ang biktima.

Nabatid na simula nang iburol ang biktima, walang kibo at tila natutulala ang suspek at hindi umaalis sa tabi ng kabaong ng kanyang ina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply