Industriya ng niyog sa bansa iangat–An Waray

UMAPELA kay Pangulong Aquino ang isang kaalayadong kongresista na isama sa kanyang agenda ang panukalang pagpapaunlad sa industriya ng niyog upang matugunan ang panibagong hamon ng Estados Unidos.

Nanawagan na rin si An Waray Rep. Florencio “Bem” Noel, chairman ng House Committee on Accounts, sa kanyang mga kasamahang mambabatas na aprubahan ang “Philippine Coconut Development Act” dahil nagsusulong ito sa “policy and development framework that would benefit coconut farmers and its stakeholders.”

“Now that our coconut is reaping worldwide acclaim, we repeat our request for the President to include our bill in his legislative agenda,” ani Noel.

Pag-uwi ni Pangulong Aquino mula sa Estados Unidos ay ipinasalubong nito sa mga Pilipino ang $15 milyong negosyo sa bansa kung saan mangangailangan ang US ng suplay ng sabaw ng buko bilang alternatibong inumin para sa mga “health-conscious consumers.”

“If we have to answer to the challenge of the US market and be the number one supplier of buko juice to the US and to the world, we have some serious homework to do,” paliwanag pa ni Noel.

Tiwala ang kongresista na kayang tugunan ng Eastern Visayas na kinabibilangan ng Leyte, Samar at Biliran ang pangangailangan ng US sa buko dahil ang kopra ang pangunahing produkto sa Region 8 na nagpo-produce ng may 500 hanggang 550,000 metriko-toneladang kopra na ang 80 porsiyento ay ipinadadala sa ibang bansa at 20 porsiyento lamang ang naiiwan sa bansa.

Ipinagmalaki pa ni Noel na bukod sa “buko juice” ay maaari ring matikman ng mga Amerikano ang “organic tuba” o coconut wine na maaaring ipamalit sa mga alak ng US at Europe.

Subalit, nakiusap din ang kongresista sa pamahalaan na panahon na upang alalayan ng gobyerno ang industriya ng niyog sa Region 8 upang maikumpara ito sa “world class industry.”

Ang ‘buko’ juice ng Pilipinas ay mayaman sa “electrolytes at minerals” na maaaring pamalit sa alinmang popular na sports drinks.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply