Industriya ng pagmimina estado at tao makikinabang

GUMAGAWA ng mga hakbang ang administrasyon  ni Pang. Noynoy Aquino para matiyak ang malaking kita ng mga kompanya sa industriya ng pagmimina at magiging kapaki-pakinabangan din sa estado at sa taumbayan, sabi nga ni Executive Secretary Paquito Ochoa.

Ipinahayag ni Ochoa na nag-aaplay ng compliance status sa Extractive Industry Transparency Initiative (EITI) ang pamahalaan para makamit ang mga kailangang reporma sa nasabing industriya sa London.

Ang mekanismo  ng EITI ay tinitiyak ang pagkakaroon ng karapatan sa pag-uulat sa kita.Lumalabas sa datos  mula sa Department of Environment and Natural Resources na nakapag-ambag ang pagmimina ng P110 B sa gross domestic product at aabot sa P12.5 B ang kinita ng gobyerno sa buwis, royalties at iba pang bayarin noong nakaraang taon.

Ayon pa sa kalihim, ang kandidatura ng bansa sa EITI ay umaayon sa mabuting pamamahala na pinaiiral ng administrasyon ni PNoy.

Ayon pa kay ES, bagama’t tiniyak ng Mining Act of 1995 ang pagkakaroon ng mga solusyon para tugunan ang mga suliranin sa pagmimina kailangan ang kamulatan sa usapin at pangingibabaw ng batas.

Sinabi pa ni Ochoa ang pangangailangan sa pagbabalanse sa pagmimina at pagprotekta sa kapaligiran at mga likasyaman para makamit ang pagtanggap ng lipunan sa mga operasyon sa pagmimina.

Dahil batid niya na ang industriya ng pagmimina sa bansa ay paksa ng masusing pagbusisi ng iba’t ibang sektor, nanawagan si Ochoa sa industry players na paglabanan ang mga negatibong bagay na kakabit ng pagmimina at lalo pang magsikap para makamit ang pagtanggap ng publiko.

SEX-TRADE SA LAPU-LAPU PADER

Lalong nilargahan ang operation ng sex-trade sa Lapu-Lapu Sauna Palace sa Buendia, Pasay City. Ipinagmamalaki ng may-ari si Mayor Antonio Calixto. Ano ba…Mayor?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply