Insentibo habol sa banggaan ng Ateneo at Adamson

HANGAD ng Ateneo Blue Eagles ang ika-14 panalo laban sa pumapangalawang Adamson University Falcons sa pagsasara ng second round ng elimination ngayong hapon (Sabado, Setyembre 10)  sa Smart Araneta Coliseum.

Isang thrice-to-beat incentive para sa tropa ni coach Norman Black ang naghihintay sa pagsungkit nila ng 14th win habang twice to beat bonus naman ang makukuha ng Falcons kapag nakalusot sila sa Blue Eagles.

Ang talon ng Adamson ay magreresulta sa isang playoff nila laban sa alinman sa Far Eastern University Tamaraws o University of Santo Tomas Growling Tigers na kapwa tangan ang 8-5 slate habang ang Falcons ay dadausdos sa 9-5 win-loss record kapag napabagsak sila ng Blue Eagles.

Hindi nagkukumpiyansa si coach Black dahil batid niya na ang koponan ng Adamson ang pinakamahigpit nilang kalaban sa UAAP Men’s Basketball tournament sa kasalukuyang season.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply