Int’l Coastal Clean-Up Drive ikinasa na

SINIMULAN na ang sabayan at malawakang paglilinis ng baybaying dagat sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ang paglilinis ay bahagi i ng taunang International Coastal Clean-Up Drive na ginagawa tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre base na rin sa Presidential Proclamation 470.

Sa Baywalk sa Roxas Boulevard sa Maynila, maaga pa lang ay sinimulan na ang paghahakot ng basura ng daan-daang indibidwal mula sa iba’t-ibang tanggapan ng gobyerno, non-government organizations (NGO), mga estudyante at pribadong sektor.

Gumamit pa ng mga payloader ang mga otoridad sa dami ng basura na kailangang hakutin na karamihan ay mga plastic.

Samantala, nakaantabay din ang ilang ambulansya para magbigay ng tulong-medikal kung kinakailangan.

Sa naganap na paglilinis umabot sa tone-toneladang basura ang nahakot sa baybaying dagat ng Roxas Boulevard. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply