Iringan nina Fuentebella, Villafuerte lumala

MALAYO pa ang 2013 pero tuloy sa paglalabasan ng baho ang mga politiko.

Sa away sa Camarines, patuloy na nag-iiringan sina Deputy Speaker Arnulfo Fuentebella at Governor LRay Villafuerte dahil sa paglustay ng pondo ng probinsya.

Tinawag na sinungaling ni Fuentebella ang anak ni Camarines Rep. Luis Villafuerte sa pagsasabing dapat kasuhan ng plunder ang gobernador dahil bilyong piso ang natuklasan ng Commission on Audit (COA)na umano’y dinambong nito mula 2007 hanggang 2009.

Binigyang-diin pa ni Fuentebella na ang akusasyon ni LRay ay bunga ng desperasyon dahil kahit ang kanyang sariling ama na si congressman Villafuerte ay nagawa niyang murahin at itaboy mula sa kanyang bahay.

Naniniwala si Fuentebella na itinuturing ni LRay na  pagmamay-ari niya ang Camarines Sur at hindi niya matanggap na sarili niyang ama ay sumuporta sa paghahati sa Camarines Sur kabilang sina Reps. Dato Arroyo at Rolando Andaya Jr.

Naunang binatikos ni Rep. George Arnaiz si LRay sa pagsisinungaling nito nang ipagsigawan ng gobernador na hindi nagkaroon ng public hearing ukol sa HB 4820, gayung naghakot pa ng pala sa pagdinig ng House Committee on Local Government kasama ang kakamping si Camarines Rep. Salvio Fortuno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply