Isa-Filipino ang RH bill

TAMA si Senador Lito Lapid. Dapat isa-Tagalog o isa-Filipino ang debate ng reproductive health bill upang mas marami ang makaintindi ng panukalang batas na ito at maunawaan ang mga implikasyon nito.

Maraming mambabatas na Inglesero kaya malaking kalituhan ang kanilang idinudulot.

Dahil sa wikang Ingles isinusulat ang ating mga ba-tas, pati mga abogado ay litong-lito.

Litong-lito rin siyempre ang mga hukom at mga justice sa wikang Ingles sa kabila ng paniniwala nilang mahusay silang mag-Ingles.

Karamihan ng ating mga representante, mga senador, mga Cabinet member at miyembro ng ating judiciary, isama na rin ang ating mga pulis at mga sundalo, ay baluktot mag-Ingles.

Walang masama kung gamitin natin ang ating sariling wikang pambansa na kung tawagin ngayon ay Pilipino or Filipino na hango sa wikang Tagalog.

Ang Tagalog ay hindi wika ng mga mangmang katulad ng sinasabi ng mga Inglisero sa ating pamahalaan at ng mga taga-alta sosyedad.

Sa mass media, Tagalog ang salitang ginagamit ng mga tagapaghatid ng mga balita, mapa-TV man o radio, mapa-FM man o AM.

Noong araw, ang FM radio station ay para sa mga Ingliserong broadcaster at DJ.

Hindi na ngayon. Ganundin naman sa TV, 90 percent ay sa Tagalog nakabase.

Maski nga si President PNoy, Tagalog ang salitang ginagamit.

Mas effective ito at mas madaling maintindihan, kaya mas gusto ni PNoy na Tagalog ang gamitin.

Karamihan sa mga pelikula sa Pilipinas ay Tagalog ang wikang salita, maski na ito ay pinalalabas din sa Ilocos, sa Pampanga, sa Visayas at sa Mindanao. Si Lito Lapid ay hindi Tagalog, Kapampangan siya.

Hindi siya Inglesero katulad nang karamihang bagong sikat na mga artista at mang- aawit.

Gayunman, sumikat si Lapid  at iba pang sikat na artista tulad nina Ramon Revilla, Fernando Poe Jr. at ni Bong Revilla sa Tagalog movies dahil damang-dama nila ang wika ng mga manonood.

O baka naman kaya Ingles ang ginagamit sa Congress, sa Judiciary, sa PNP at sa AFP, for instance, ay para hindi maintindihan ng bayan ang ating mga batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply