Isa patay sa engkuwentro sa Samar

ISA na ang kumpirmadong patay sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng rebelde at mga pulis kaninang madaling araw, Setyembre 12, sa Hinabangan Western Samar

Ito ay ayon kay PNP Chief General Nicanor Bartolome, pero hindi pa tinukoy kung sa panig ng rebelde o pulis ang namatay pero kumpirmadong isang pulis ang sugatan.

Dagdag pa ni Bartolome, humupa na rin ang bakbakan na nagsimula kaninang pasado alas-5:00 ng madaling araw.

Dahil dito na-stranded ang 30 sasakyan dahil hinarangan ng truck ang kalsada matapos lusubin ng mga pinaniniwalaang NPA ang police station ng Hinabangan Samar.

Mahigit isang oras na-stranded ang mga sasakyan sa highway sa boundary ng Paranas at Hinabangan Samar dahil sa nakahambalang na truck sa kalsada.

Makalipas ang isang oras bago nang humupa ang sagupaan, saka lamang nakaalis ang mga na-stranded sa lugar pero nakaharang pa rin ang refrigerated van dahil nawala ang susi nito nang magkaroon ng tensiyon sa lugar. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply