Pares ng kamay lumutang sa Manila Bay

ISANG pedicab driver ang nakakita sa dalawang putol na kamay na naka-silid sa plastic na nagpalutang-lutang sa Manila Bay na sakop ng North Harbor sa Tondo, Maynila, kahapon.

Base sa report na isinagawa ni Det. Jett Tajonera kay PSr.Insp. Joselito “Joey” de Ocampo, hepe ng Manila Police District Homicide Section, dakong 10:40 ng umaga ng matagpuan ng isang pedicab driver na hindi pinangalan ang magkapares na kamay na nakabalot sa plastik.

Dahil sa inaakalang mapagkakakitaan ay dinampot ng drayber ang plastic at binulatlat ito. Laking gulat niya nang tumabad sa kanya ang isang pares ng kamay dahilan upang ipagbigay-alam niya ang nakita sa pulisya.

Sinabi rin ng drayber na isang lalaki ang nagtapon umano ng plastik sa tubig.

Pansamantalang inilagak sa St. Yvan Funeral Morgue ang mga kamay habang patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nagmamay-ari nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply