Iskalawag at terorista

KUNG mahina ang loob mo, wala kang magagawa kundi iyakan na lang ang mga nagaganap na maramihang pagpatay dahil sa terorismo.

Noong una, wala tayong kamalay-malay na terorismo pala ang may kagagawan ng LRT Blumentritt Station bombing noong Disyembre 30, 2000.

Basta ipinasa-Diyos na lang ng marami kung sino ang may kagagawan nito kasabay ng pagtirik ng kandila at paghahanap ng katarungan para sa mga biktima.

Siyam na buwan lang ang nakalipas, mas matindi ang naganap dahil ibinangga ng mga terorista ang dalawang pampasaherong eroplano sa Twin Towers ng World Trade Center at nalusaw sa apoy ang mahigit 3,000 katao, kabilang na ang maraming Pinoy.

Makaraan nito, marami na ang naganap sa loob at labas ng repablik ni Juan kaugnay ng terorismo.

Yang kidnap for ransom ang isa sa mga kinatatakutan ngayon sa atin sapagkat pugot ulo ang kapalit ng hindi pagbabayad sa mga terorista ng ransom.

oOo

Sa kabila ng nakatatakot na kalagayang ito, nakasu-sukang isipin na sinasamantala ito ng mga halang ang kaluluwa sa pamahalaan.

Aba, ‘di ba naglipana ang armas sa Kamindanawan?

Yun pala, benta ng mga sundalo at pulis ang marami sa mga ito.

Namamakyaw pala ang mga warlord ng mga baril at bala mula sa mga iskalawag na sundalo at pulis.

Ewan natin kung may nabibili rin ang mga terorista na armas mula sa mga iskalawag.

Maliban dito, may mga alingasngas na nakikihati rin ang mga armadong boy iskawt ng pamahalaan sa mga ransom sa mga nakikidnap.

Di nga ba may mga heneral at pulitiko na pinagbibintangang kumikita sa mga ransom na ito?

Kung ganito ang trato natin sa terorismo, ewan natin kung saang impiyerno tayo mapapadpad.

Susmaryosep!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply