Iskwater, MMDA at ang cash ni Dinky Soliman

NONG Ferdie Marcos, kapag may mga bisita na dayuhan,  tinatakpan lang ang mga lugar ng mga iskwater ng mga yero saka nila pinipinturahan.

Presto, walang “iskwater” at maganda ang paligid ng Metro Manila at Pinas.

Magaganda lahat ang nakikita kaya patok ang repablik ni Juan sa mga turista, sabi nila.

oOo

Sa mga panahong ito, simula op kors sa panunungkulan ni aydul tserman Bayani Fernando ng Metro Manila Development Authority, binabaklas ang mga kaiskuwateran.

Yung ilan, nabibigyan ng relokasyon sa loob o labas ng siyudad.

Yung iba, pinauuwi sa mga lalawigan at binibigyan ng pamasahe at konting pabaon.

Siyempre, puno ng pag-asa ang mga onorabol na nalulutas na ang problema sa iskuwating. At sa wakas, tunay nang maganda ang nakikita ng mga turista.

oOo

May problema nga lamang, Suki.

Mukhang ilusyon lang ang pagkawalis ng mga iskuwater lalo na sa Metro Manila.

Dahil nagtutulong-tulong na ang lahat ng mga local government unit, MMDA, NHA at iba pa, mukhang dumarami at hindi nababawasan talaga ang mga iskwater.

Kung maaalis ang mga iskwater sa mga ilalim ng tulay, gilid at gitna ng mga sapa, nagsisiksikan naman sila sa mga flyover, sa mga kalsada at nag-sisibalikan sila sa mga pinagandang mga ilalim ng tulay at sapa.

Ang masaklap, hindi pala sila kuwalipayd sa limos ni Dinky Soliman sa ilalim ng Conditional Cash Transfer.

Higit na masaklap, sila ang nasa 5-10 milyong obrerong unemployed na hindi nabibigyan ng trabaho ng gobyerno na lungga ng mga korap.

Ngayon ay magtanong tayo: malulutas ba ang iskwating?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply