Isyu sa budget cuts bahala si Abad — Valte

abad

BAHALA na si Budget and Management (DBM) Sec. Florencio Abad sa pagharap sa mga nagpo-protestang mga kawani ng hudikatura laban sa budget cuts.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, inaasahan umano nilang maipaliliwanag ni Abad ang isyu tungkol sa pagbawas para sa taunang pondo ng nasabing ahensiya.

Kasabay nito, sinabi rin ng opisyal na bukas ang DBM na makipag-dayalogo sa stakeholders para sa isang “peaceful compromise.”

Ginawa ni Valte ang pahayag sa harap na rin ng gagawing “Black Monay protest” ng mga miyembro ng Judiciary Employees Association of the Philippines (Judea).

Maliban sa hudikatura, una na ring naglunsad ng isang linggong protesta ang mga estudyante, guro at opisyal ng iba’t ibang state universities and colleges kaugnay pa rin sa sinasabing mababang pondong inilaan ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply