Isyu sa pagpapakasal ni Nora sa kapwa babae bumalik

WALA talagang lihim na naitatago. Kahit ang mga bagay na ayaw sagutin ay kusang lumalabas at naidedetalye pa. Kagaya nang pagpapakasal noon diumano ni Nora Aunor sa musical arranger at director na si Norie Sayo na very vocal naman sa kanyang tunay na kasarian at hindi itinatagong siya’y isang tomboy.

Muli itong nauungkat ngayon. Hindi naman daw valid ang nasabing kasalan dahil walang batas sa Nevada, USA kung saan doon ikinasal ang dalawa, na nagpapahintulot na makasal ang parehong babae o lalaki.

Pero ang malinaw, kahit sinasabing null and void daw ang nasabing wedding, ang mahalaga rito ay nagkaroon talaga ng seremonya, at sa paniwala nina Nora at Norie ay mag-asawa sila.

Giatay!

Ngunit ang nasabing isyu ay hindi natuldukan. Katulad nang tanong kung sila ba ay nagkaanak, este, nagsasama pa hanggang ngayon o hindi na (baka hindi na dahil si John Rendez daw ang papa ni Ate Guy). Ayon kasi sa tsikang nasagap natin, nagpang-abot pa sina Norie boy at John. Ang ibig bang sabihin nito, namangka si Baluga sa dalawang itlog, I mean, ilog? Hahaha! Kung true ‘yun, double-blade nga s’ya. AC-DC.

Sus Ginoo!

Sabagay, ang pormahan daw ngayon ng magaling at beteranang aktres ay hitsurang tibowiski nga-maikli ang kanyang buhok at kilos tigasin. In fairness, ganyan naman siya eversince.

Anyway, kaya pala ganun na lang ang pagpapala niya kay John dahil ito palang taong ito ay talagang nagtiyaga sa kanya sa hirap man at sa ginhawa o sa kahihiyan man at katatawanan. Hahaha!

I wonder why kung nararapat nga ba talagang bigyan ng Natioanl Artist Award ang Superstar gayong bad record pala siya.

Natsitsismis siyang lasengga, yosi-kadiri user, sugarol at chumuchurva sa kapwa babae.

Oo nga’t aminado tayo na magaling siyang alagad ng sining, pero kung ganyan namang sandamakmak ang kanyang bisyo, parang…teka muna, hello? Hehehehe!

Well, nasa kanila ang desisyon. Ano sa palagay n’yo? Di kayo mapalagay? Tingin ko nga. ‘Yun na!

***

Nag-level up na raw si Osang: Bakit puro kabalahuraan na naman ang sinasabi?

Bahagyang nakalilimutan na sana ng publiko ang pagiging dating hubadera na pumapatol sa iba’t ibang lalaki si Rosanna Roces, pero sa ginagawa niya ngayon ay mukhang balik ulit sa rating gawi ang kanyang pagkatao.

Heto nga’t nakabalik na siya sa pag-arte at naging kontrabida pa sa mini-series ni La Aunor, kaya sinasabi ng iba na nag-level up na raw si Rosanna, e, dahil sa kadaldalan niya at sa kagustuhang pag-usapan ng siya ng  husto para sa promosyon ng kanilang serye, nagiging tsipipay naman siya dahil sa pag-ungkat niya sa mga lalaking nakatalik niya noon.

Naging tampulan nga raw ng tukso itong si Ted Failon sa ABS-CBN dahil sa ibinulgar ni Osang na siya ang pinakamagaling sa lahat ng lalaking naka-churvahan nito.

Napahiya tuloy ang sikat na broadcaster. Pa’no na kung may itinatago siyang tsik ngayon, baka ma-turn-off sa kanya.

Wala nang pinakaiba si Osang kay Keanna Reeves na mahilig ding mag-name dropping sa mga mhin na nakaulayaw niya sa kama.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply