Iwa Moto ka-level ni Dolly Ann Carvajal

ITINANGGI ni Iwa Moto na siya ang naba-blind item na sexy actress na buntis. Hindi raw totoo ‘yun. Bakit siya matitesbun e, wala naman siyang papa. Kung noon nga ay magka-live in pa sila ni Ablan Something or whatever  ay hindi siya nabukulan sa tiyan, ngayon pa kayang hiwalay na sila?

Sabi naman ng ilang mahadera, imposible talagang lumaki ang tiyan ni Iwa dahil ilang banig daw na pills ang laging nasa bag nito. Kaya kung may churvahan man na mangyayari ay nakahanda siya parati. Hehehe!

Napapansin lang ng mga tsismosa ang madalas na paglaklak ng alak ngayon ng Kapuso star after nang hiwalayan blues nila ni Ablan Something. Kung minsan nga raw halos hindi na ito makalakad sa sobrang kalasingan. Puwede nga raw churvahin dahil hindi  na nito alam ang kanyang sarili.

Bagay na bagay raw silang magsama ni Dolly Ann Carvajal dahil pareho silang nawa- wala sa sarili kapag bangenge na. How true na may ihian pang nangyayari kapag sabog na sila sa agua de pataranta? Hahahaha!

Kidding aside, ang artistang katulad daw ni Ms. Moto na laging lasing at naghahabol pa sa lalaki ang nakasasama sa imahe ng GMA-7. Naturingang artista at may pangalan naman pero kung magkikilos ay talo pa ang isang bar girl (doon naman daw siya galing).

Dapat pag naging artista na ay tigilan na ang mga kacheap-ang bagay na nakagawian noong ordinaryong tao pa lang siya. Gayahin mo si Marian Rivera na pilit nagpapaka- sosyal kahit halata naman sa kilos at pananalita nito na mukha siyang tindera sa palengke na hindi mapigilan ang kadadada. ‘Yun bang behind ng manok na laging nagko-close-open? Hehehe!

Sayang ang ganda pa naman ni Iwa. Huwag mo nang isipin ang mga walang kwentang lalakeng ‘yan. Ang pagtoonan mo ng pansin ay ang iyong career. Intiendes?

***

Star Cinema Number 1 movie outfit

ANG STAR CINEMA ang kinikilala ngayong numero uno pagdating sa paggawa ng pelikula. Sila rin ang may pinakamaraming project na ginagawa, at kahit sunod-sunod ang mga proyekto nila de kalidad pa rin ang mga ito.

In fact, maging ang mga independent movie company ay mas lalong lumalakas ang loob na gumawa ng indie film dahil sa Star Cinema na nagiging releasing company nila upang maipalabas ang gawa nila sa magagandang sinehan at nakasisiguro pa silang kikita ito.

Tulad halimbawa ng Ang Babae sa Septic Tank na tumabo ng husto sa takilya, Thelma na kasalukuyang pinipilahan sa mga paborito ninyong sinehan at gayundin ang Zomba- ding na released by the said movie outfit.

Sa ngayon ay marami pa ang nakapilang indie film sa movie company ng ABS CBN na naghihintay lamang na bigyan-pansin sila ng kompanya para maipalabas na ang mga ito sa lahat ng movie theater nationwide.

***

Engr. Manuel Pablico Hinangaan sa Pagiging Totoong Religious Leader

MAY mga nag-react sa sinulat natim tungkol kay Engr. Manuel Pablico tungkol sa pagiging religious leader nito na walang hinihinging kapalit na donasyon o ano pa man sa kanyang mga miyembro.

Malamang ang mga nag-react na ‘yun ay ang kalaban ng kabutihan. Mga leader din na walang inisip kundi ang gamitin ang Dios para magkamal ng salapi galing sa mga bulag na tagasunod.

Walang masamang manghingi ng pera sa mga kasapi ng organisayon, sekta, relihiyon at iba pa kung may nakukuhang pakinabang ang mga kaanib nila. Di ba?

Kaya nga sa bagay na ito namin hinangaan si Engr. Pablico.

May balita pa nga kami na isang aktor ang nakadispalko ng malaking halaga sa mabait na religious leader pero hindi nito hinabol at pinatawad pa niya ito sa nagawa nito.

Kaya advice natin sa lahat, bago kayo maniwala at sumunod sa mga nagpapanggap na sugo ng Dios, tingnan muna ninyo ang pagkatao nito. Mabuti ba ito sa kanyang kapwa? nakatutulong ba ito at may malasakit sa ibang tao? ‘Yun lang.

Sabagay, mas marami naman ang humanga kay Engr. Manuel kumpara sa mga kumontra. Para  mas maintindihan nyo ang kanyang mga pahayag, tuwing Linggo ng 11:00 p.m hanggang 2:00 a.m ay maririnig ang kanyang programa sa limang radio stations na sabay-sabay na umi-ere: DWIZ 882khz, DZIQ 990khz, DZME 1530 khz, DWAD 1098 khz at 1242 khz station.

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply