Jail officer na suspek sa pagpatay sa seaman sumuko

Sumuko na ang isang jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na suspek sa pagpatay sa isang seaman sa Pasay City kaninang madaling-araw, Setyembre 18.

Batay sa ulat ng Southern Police District (SPD) sumuko sa pulisya si Senior Jail Officer 1 Edgardo Almarines na nakapatay umano sa biktimang si Hardington Uy sa isang restaurant sa tapat ng Pasay City Sports Complex kahapon.

Nabatid na dalawang beses umanong binaril ni Almarines si Uy matapos siyang pitsarahan nito sa hindi pa malamang dahilan.

Tumakas si Almarines sakay ng motorsiklo kasama ang isang hindi pa kilalang lalaki ngunit sumuko din ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply