Jake Cuenca enjoy sa pagiging bading

CORRECTION please, hindi first time ni Jake Cuenca na gumanap sa papel ng isang gay. Sa isang indie movie na napalabas last year, isang baklang HIV positive ang kanyang ginampanan. Kumbaga, second na niya itong pagbibida sa isa sa mga special episodes ng Maalaala Mo Kaya bilang month-long anniversary ngayong Oktubre ng tinaguriang The Longest-running Drama Anthology in Asia.

Sa teaser ng episode ni Jake, split seconds lang ipinakita ang eksenang naka-make-up siya at nakasuot ng damit-babae.

Sa mga nasusulat, ang husay daw ni Jake sa treaser na nagsuot-babae at nag-make up sa isang eksena.

Hindi kaya magkasunod-sunod ang mga gay roles ni Jake now that he performs such roles with gusto?

You see, may mga tsismis na gayman daw si Jake pero tsismis pa lang, wala pang ebidensiya.

Inamin ni Jake na si BB. Gandanghari ang kanyang peg at ’yung mismong taong ginampanan niya – si Louie, na naroroon din sa taping sa Barcelona, Spain, kung saan kinunan ang episode.

Ayon kay Jake ay sobrang excited siya for this episode at ikinatuwa rin daw niya na sa Spain pa sila nag-shoot kung saan naroon ang kanyang pamilya.

’Yun nga lang, hindi sila nagkita ng parents niya dahil nga araw-araw ang taping at kinailangan niyang mag-focus sa role sa sandaling panahong naroroon sila.

Samantala, naitanong din namin kay Jake ang tungkol sa latest issue sa kanya ngayon na diumano ay pinadalhan daw siya ng bala ng baril ni Ronald Singson na rumored boyfriend ni Lovi Poe na as we all know ay nali-link sa kanya ngayon.

“Gusto kong klaruhin ’yan na hindi po totoo ’yun at gusto ko ring mag-sorry rin  sa mga Singson, kasi hindi magandang tsismis ’yan. Wala naman talaga silang ginagawa, lalo na si Ronald na wala naman talagang kinalaman with anything.

“So, I’d like to apologize to the Singson family, to everyone,” aniya.

Pero wala siya talagang natanggap na bala mula sa kahit sinong tao?

“Wala, wala talaga. Nothing. Saka, kami naman ni Lovi, ika-clarify ko na, talagang we just made a movie (My Neighbor’s Wife). Parang kasama naman ng movie na ’yun, siyempre, may promotion.

“Hindi naman pang-promo lang ang closeness namin, talaga namang magkaibigan lang kami. Pero hanggang doon lang ’yun, hanggang friendship lang talaga,” paglilinaw pa ng aktor.

-000-

Zoren Legazpi asal bading kung mag-host sa talkshow

Katuwaan lang yung tanong kay Carmina Villaroel tungkol nga sa pagiging sobrang madada ng kanyang dyowa na si Zoren Legazpi kapag nasa isang talk show ito.  Katuwaan, kasi nga bading yung unang mister ni Carmina na si Bebe Gandanghari na dating si Rustom Padilla. Hindi ba siya kinakabahan na magiging another BB Gandang hari ito na as we all know ay dati niyang asawa?

“Naku, parang malabo naman yata ’yan. Guguho na yata ang mundo… (kapag naging bading si Zoren). Pero niloloko ko siya, naging running joke na sa amin, sabi ko, ‘honey, umamin ka na, okey lang naman sa akin, kasi been there, done that.’ Pinagtatawanan na lang namin.”

But what if?

“Teka, teka muna, talagang kailangan ko muna yatang mag-meditate. Parang siguro, ‘ayan, strike 2, hindi na natuto.’ Pero malabo, masyadong malabo talaga, parang hindi ko yata maaarok nang bonggang-bongga talaga,” humahalakhak na sabi pa ni Carmina.

Inurot din ng press si Carminasa sobrang open nina Ruffa Gutierrez at ng kanyang asawa kapag magkaeksena sa isang talkshow

Hindi ba sumasagi sa isip niya na baka may feelings pa sina Zoren at Ruffa sa isa’t isa?

Dati kasing lovers ang dalawa nang kanilang younger days pa.

“Hindi rin, eh. Kasi kapag nag-entertain ka ng ganu’n, wala, eh. Mas lalabo ang  relationship mo with Zoren, plus ’yung friendship ko with Ruffa if you’re gonna entertain. Saka hindi kasi makitid ang isip ko. Artista rin ako so, alam ko kung paano sumakay sa mga ganyan.

“At saka hindi sila magiging ganu’n ka-comfortable if there’s something. Saka si Ruffa, sobrang bait na kumare ’yun.”

Sa pagiging daldakina ni Zoren, ano ang ginagawa niya?

Aminado si Carmina Villaroel na napagsasabihan niya ang partner na si Zoren Legaspi kapag medyo nadudulas ito sa mga blind items na ibinabalita nito sa
Paparazzi.

“Oo, napagsasabihan ko siya,” sey niya nang makipagtsikahan sa mga press.

“Si Zoren kasi, very transparent, he’s very candid, eh, so, parang sa kanya, kung ano ang nasa puso niya, ang nasa isip niya, sinasabi talaga niya.

Na wala namang malice, no? Pero siyempre, hindi naman naiintindihan ng tao ’yun.

“So, sabi ko lang, ‘honey, you just have to be careful and cautious kasi, kung para sa ’yo, wala, hindi naman naiintindihan ng mga tao ’yun.’ Ayoko lang na may magalit sa kanya, ganyan.

“So minsan, pinag-a-absent ko talaga siya. Kaya kung minsan, wala siya, ako ang may kasalanan no’n. Dati lang ha? ’Yung mga future, hindi ko pa alam,” natatawang sey nito.

So there!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply