Janna Dominguez kabit ni Mickey Ablan

SABI sa tsismis, kawawa daw itong si Janna Dominguez kay Mickey Ablan dahil ginagamit lang siya nito. Ang totoong love raw ng huli ay si Iwa Moto dahil ito ang asawa niya- kaya lumalabas na kabit lang ang una.

Si Iwa ay nagpakalayu-layo na dahil labis na nasaktan ang kanyang damdamin. Kahit wala naman siyang ginagawa sa Japan ay pumunta siya roon para lamang magpalamig at upang kalimutan si Mickey. Ang problema, lagi siyang nagbubukas ng internet. Paano mawawala sa isip niya ang kanyang mister kung ganyang lagi niyang binabasa ang tini-tweet nito sa kanya?

Anyway, hindi maamin-amin ng singkit na aktresa ang tunay na naging relasyon niya sa lalaking galing sa angkan ng mga pulitiko dahil sa personal niyang dahilan. Pero ngayon daw ay nakahanda na ito na tapusin ang lahat.

Ang kawawa ngayon ay si Janna Dominguez. Masyado na raw itong nakadikit ngayon sa ex ni Ms. Moto. May tsismis nga na nagpabuntis na ito para hindi na makawala pa sa kanya ang naturang lalaki. Kung totoong buntis siya, magiging dalawa na ang anak niya sa magkaibang mhin, huh!

Tsk! Tsk! Tsk!

Si Iwa naman kunwaring namimis niya ang anak ni Ablan at ang mommy nito, pero ang totoo e, ang dating papa ang gusto niyang makita kaya uuwi raw ng Pinas. Ano ba ‘yan?

Kung talagang mahal pa nila ang isa’t isa pag-usapan na lang nila ito ng personal, huwag na nilang idaan pa sa social networking. Kung hindi naman talaga labs ng brusko at matulis na lalaking ito si Janna ay tapatin niya ng hindi naman nababaliw na at napapabayaan na raw ang career.

***

Mark Gil ayaw nang patulan pa si Albie

AYON kay Mark Gil, nasabi na raw niya ang gusto niyang sabihin kay Albie Casino kaya tama na raw iyon. Enough is enough, ika nga. Kaya sana naman huwag na ring magkakatsang pa si Andi Eigenmann at idaan pa sa blog ang mga gusto niyang sabihin sa ex-bofriend na si Albie.

Ayaw nitong magpakalalaki, so, malinaw na hindi ito magiging responsableng ama sa kanyang magiging anak, kaya huwag na niyang ipilit pa rito at ipaamin ang kanyang ‘krimeng’ ginawa.

Tama si Mark. Nasabi na niya ang lahat kaya tama na. Ayaw namang umamin ni Albie. Ayaw akuin ang responsibilidad niya. Alangan naman pilitin pa ito at pasukahin ng dugo para umuo.

Ipasok n’yo kaya sa military camp at doon ninyo i-interrogate, o kaya sa isang presinto sa Tondo na kung saan tinatalian daw doon ang ari ng mga nahuhuling holdaper para umamin. Hahahaha!

***

Marami ang nananamantala sa kabaitan ni Engr. Manuel Pablico

HINDI raw namimilit si Engr. Manuel Pablico na mag-miyembro sa kanyang Divine Government of God ang mga taong hindi naiintindihan ang ibig sabihin ng librong sinulat niya na “The Sound of the Seventh Trumpet.”

May ilan kasi na ‘nagpapatatak’ pero ang habol lang pala ay ‘yung mga binepisyong makukuha nila sa DGG.

“Ako, puwede kong pagalitan at pagsabihan ng kanilang mga mali ang aking mga miyembro dahil wala akong pinangingilagan,” sabi ni Engr. Manuel.

“Hindi ko sila hinihingan ng donasyon o kahit na ano para lamang sumama sa akin at sa aking mga paniniwala,” ayon pa sa pilantropong engineer at religious leader.

“Hindi katulad ng iba na takot kontrahin ang kanilang members dahil doon sila umaasa. Baka magalit at hindi na mag-abot ng donasyon.”

Tama ang sinabi ni Engr. Pablico. Karamihan nga sa mga sekta, grupo o organisayon ay nabubuhay lamang sa mga bigay-bigay ng mga kasapi nila, pero wala naman silang natatanggap na biyaya in return.

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply