Japan lugmok sa Fiba-Asia, 83-76

UMANGAT ang Smart Gilas Pilipinas sa 3rd-quarter nang talunin ang Japan, 83-76 sa FIBA Asia Championship sa Wuhan, China ngayong gabi.

Si Marcus Douthit ang bumida sa laro na kumana ng 25 points at 13 rebounds.

Humabol din si Marcio Lassier, unang hindi nakalaro sa preliminary round dahil sa eligibility issues nang kumana ng 15, dinagdagan pa ni Jimmy Alapag ng 14.

Mula sa bench ay nag-ambag din si Kelly Williams ng 12 points.

Sa kainitan ng laban ay bumawi ang Philippine team mula sa pagkakaiwan sa iskor na 40-34 sa unang 2 quarters, pero bumawi sa 3rd canto dahilan para maungusan ang Japanese squad.

Ang pamatay na lay-up ni Lassiter sa 3rd quarter ang nagbigay ng isang angat na puntos sa Pilipinas 50-49.

Lalong naiwan ng Smart Gilas ang Japan dahil sa mga maling turnovers at lousy defense.

Sinubukang pigilin ng Japan sa pag-iskor ang mga Pinoy pero hindi gumana ang kanilang depensa na nauwi lamang sa mga foul.

Sinandalan man ng Japan si Joji Takeuchi na may 22 points, hindi naman iyon sumapat para sila ay manalo.

Dahil sa panalo, tabla na sa standing ang Philippines at Japan na may 3-1 records sa Group F.

Nanatili namang solo ang China sa 3-0 win-loss slate.

Bukas ay kahaharapin ng Pinas ang Syria.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply