JC de Vera aalis na sa poder ng manager

HINDI itinanggi ni JC de Vera na gusto niyang subukang sumabak sa basagan ng mukha sa UFC dahil ito ang sports na kinagigiliwan at pinag-aaralan niya ngayon.

“Alam ko kung gaano kagrabe ang labanan sa UFC (Mixed Marshall Arts). Ito ang sports ko ngayon. Gusto ko lumaban kahit isang beses lang pero as of now ay tila malabo nang mangyari kasi nagsisimula na ang serye naming ‘Utol Kong Hoodlum.’

“Siguradong mababasag ang mukha at baka mapilayan ka pa sa laban. Malaking problema ito sa taping ng Utol Kong Hoodlum.

Baka magkapasa-pasa rin ang mukha ko at hindi na ako makapagtaping muna,” patuloy na tsika ni JC.

Samantala, itinanggi ni JC na aalis na siya sa pangangalaga ni Annabelle Rama.

“No! Walang katotohanan na aalis na ako kay Tita Annabelle (Rama). Five years ang contract ko at nakaka-isang taon pa lang ako. Four years pa natitira. Saan galing yang balita?” nagtatakang pahayag ni JC.

Anyway, sa Utol Kong Hoodlum ay supporting ang role ni Arci Muñoz na nagbida na sa isang teleserye sa TV5.

Sabi naman ni Arci, walang problema kung maging supporting role siya sa serye nina JC at Jasmine Curtiz.

“There`s no small role, only small actors,” pagdidiin ni Arci kung bakit siya pumayag sa supporting role.

Singit naman ng taga-TV5, may inihahanda nang follow up project para kay Arci ang Kapatid Network.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply