JC de Vera kabadong di ma-deliver ang inaasahan sa kanya ni Binoe

KOREK me, I got lost kung anong edad noon si Robin Padilla nang gawin ang movie na “Ang Utol Kong Hoodlum” na nagkaroon ng Part Two dahil it made a killing at the box-office.

Hindi naman siguro magkalayo ang edad ng dalawa nang gawin ni Binoe and nasabing pelikula kaya lang ang problema lang ngayon, kahit sobrang hi-tech na tayo ay mas malakas ang appeal ni Robin noon hanggang ngayon.

Sa nakaraang grand presscon ng Ang Utol Kong Hoodlum na ginanap sa Bayanihan Conference Center sa Mandaluyong ay naging parte ng nasabing event ang Bad Boy ng Pilipinas.

Wala nga siya roon pero ipinakita siya sa VTR na sumusuporta sa nasabing project. Nagbitiw pa ito ng pahayag na umaasa siyang gagalingan ni JC ang kanyang pag-arte at malalampasan pa siya sa kahusayan pag-arte.

Siyempre, pressure ito sa bida ngayon ng TV version ng movie, “Ang magagawa ko lang, magiging inspirasyon ko siya to work hard, na pagandahin ko lahat ng action scenes tulad niya.”

Naimbitahan ang direktor ng pelikula na si Deo Fajardo, Jr., sa ginanap na grand presscon ng pinakabagong TV serye ng Kapatid network na bida sina JC at Jasmine Curtis-Smith. Hindi agad siya namukhaan dahil tumaba ito.

Hindi lamang si Binoe ang may VTR, ipinakita din si Anne Curtis na sobra ang suporta sa kanyang kapatid na leading-lady sa serye.

Ipinakita rin si Vina Morales na medyo nagtatampo cum lambing dahil hindi siya nasama sa cast lalo na may mga dating cast ng movie ang nakasama.

Simple lang ‘yan, kung kasama siya eh, kasama rin si Binoe.

Kasunod na nga dito ang VTR ni Binoe na sobrang ikinagulat ni JC nang nag-flash sa screen si Robin na nagpayag ng suporta kay JC.

Kaya naman, ang tanging nagawa nito ay ang magpasalamat dahil binigyan siya ng pagkakataong ipagpatuloy ang nasimulan ng action star.

Inamin nito na malaking pressure sa kanya ang gumawa ng isang peliklula na nag-hit noon kasi hindi nila alam ni Jasmine ang magiging outcome ng kanilang serye.

At the back of their minds, nandoon ang tanong kung tatanggapin ba sila bilang magka-loveteam? Andun din ang pagdududa kung matapatan o mahigitan kaya nito si Binoe sa kanyang ipinamalas sa serye?

Kung hindi man nag-iingay ngayon ang relasyong JC-Donita Paner, obviously ay nasa tabi muna ito para ma-drumbeat nang husto ang JC-Jasmine loveteam.

Imagine, inamin nitong after a year or two ay lalong gaganda ang aktres, fully-developed at puwede na nitong ligawan.

Sa tanong kung sino sa magkapatid ang mas maganda, walang kakurap-kurap na mas nagagandahan daw siya kay Anne compared sa kanyang leading lady. But wait, bumawi siya na as of these days kasi nga, Jasmine at 17 ay bubot pa pero paglampas nito ng kanyang debut, tiyak aariba ang ganda ng kanyang ka-loveteam.

Kalokah naman si Jasmine, sa magkaibang interview ay inamin nitong mas maganda ang kanyang Ate Anne at magaling na aktres pero hindi siya agree na singer ito.

Marunong din siyang kumanta and she got a singing voice better than her ate pero hindi nito pangarap ang maging recording artist.

Balik naman tayo kay JC, naloka naman ako!

Imagine, kung kelan pa siya natuto ng martial arts ay saka pa siya naging duwag. Kung kailan pa siya handang ipaglaban ang sarili sa mga pangyayaring hindi inaasahan ay doon pa siya naurungan ng balls. Ha ha ha …

We can’t absolutely blame him dahil alam nito na ang kanyang pinag-aralang martial arts ay isang form of self-defence na puwede siyang makasakit sa kapwa o mapatay ang kalaban. Hence, sa mga pagkataong may nararamdaman siyang posibleng gulo ay umiiwas na siya o kung nandoon na siya mismo sa lugar ay talagang under control ang kanyang emosyon hangga’t maaari.

Inamin din nito na naging regular workout na nito ang pagsasanay ng martial arts at malaking naitulong ito sa paglaki ng kanyang pangangatawan.

Isa pang magandang naidulot nito sa aktor ay natuto na rin siyang magdirek ng ilang eksena sa nasabing teleserye. Dinadagdagan nito ang ilang eksenang bakbakan ng choreography para para maging pulido ang eksena.

Wala siyang planong sumali ngayon sa martial arts tournament dahil mangangailangan siya ng maraming oras sa pagsasanay. Sobrang abala siya ngayon sa kanyang showbiz commintments thus, kulang siya ng pahinga at tulog. Dapat, 100 percent ang free time para mailalaan sa pagsasanay.

Kinunan nina Direk Topel Lee at Argel Joseph ang mga eksena sa Baguio City, Tagaytay, Binangonan at ilang parte sa Sydney, Australia. Kasama sa cast sina Ara Mina, Jay Manalo, Arci Muñoz, Carlo Aquino, Regine Tolentino, Empoy, IC Mendoza, Rainier Castillo, Dennis Padilla, Ramon Christopher, Benjie Paras, Jef Gaitan, Bella Flores at Flora Gasser.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply