Jeep vs kotse: Tatlo todas, 15 pa sugatan

PATAY ang tatlo katao habang 15 ang nasugatan matapos salpukin ng pampasaherong jeep ang isang kotse sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Ayon sa report ni P/Supt. Arnold Santiago, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Group (QCDTEG), kinilala ang tatlong namatay na sina Alejandro Salazar, 32, ng Cainta, Rizal; Jason Brian  Magnayon, 26, ng Marikina City  at Brian Diano, 19, ng Pasig City.

Sina Magnayon, Diano at Salazar ay idineklarang dead on–arrival sa Rizal  Medical Center bunga tinamong  matinding pinsala sa katawan.

Sugatan at nagtamo naman ng mga pasa at galos sa katawan sina Cristopher Ryan Caandar,21, Evelyn Villarina, 49; Dana Mercado, 32, Rosalie  Bonifacio, 31, Aldwin Torseno, 33, Jackelyn Balabat, 20, Jose  Bacarisos, 45, Jannet Bringas,35, Jayvee Dela Cruz,24, Juan Carlos Rafael Dela Cruz,31, Ervie Vergara, 24, Judy Grace Diano,35,; Jojit Solis, 28, Norlin Mayang at Ricardo San Jose, 59, ng San Mateo, Rizal.

Napag-alaman na ang mga sugatan ay isinugod sa naturang pagamutan na nilapatan ng paunang lunas bago pinalabas sa ospital.

Nabatid sa imbestigasyon ni P03 Renato Sunga ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 3, galing sa Quezon City patungo sa direksiyon ng Pasig ang pampasaherong jeep (TWH –941) na minamaneho ni Jojit Solis at habang nagbaba ng pasahero 4:15 ng madaling-araw kanina sa may E. Rodriguez Jr. Ave., nang bigla na lamang salpukin ng humahagibis na kotse na isang Honda Civic (UF2-533) na minamaneho ni Salazar.

Sa lakas ng pagkakasalpok ng kotse sa PUJ, nawasak ang unang sasakyan na ikinamatay ni Salazar kung saan nawasak din ang jeep na ikinasawi naman nina Jason  at Magnayon habang sugatan ang labinglimang katao.

Agad  namang sumuko sa nasabing himpilan ng trapik pulis ang driver ng jeep na si Solis kung saan nakapiit na sa  traffic sector 3.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply