Driver binoga ng pasahero

ISANG jeepney drayber ang binaril sa ulo habang nagmamaneho ng kanyang pasahero kaninang madaling araw, Setyembre 8.

Ang biktima ay kinilalang si Maximo Perez, 47 taong gulang.

Binabagtas umano ng dyip ang kahabaan ng San Agustin Street sa Pinagbuhatan sa lungsod Pasig nang barilin ito sa likod ng ulo ng isa niyang pasahero ayon kay Eastern Police District director Chief Superintendent Francisco Manalo. Kaagad namatay ang biktima.

Base sa salaysay ng isang saksi, parang walang nangyari nang naglakad ang suspek papalayo sa pinangyarihan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo ng pagpatay sa naturang drayber dahil ayon sa mga anak nito, wala umano silang alam na kaaway o nakaalitan ng kanilang ama.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply