Jennylyn Mercado tetestigo vs Baron Geisler

HANDA na ang kampo ng aktres na si Yasmien Kurdi na magprisinta ng iba pang entertainment personalities na nakasaksi sa pambabastos sa kanya ng aktor na si Baron Geisler noong 2009.

Isa na rito ang kapwa artista ni Kurdi sa GMA-7 na si Jennylyn Mercado, na nakasaksi umano sa ginawa ni Geisler kay Kurdi.

Kaugnay nito, ibinasura ngayon (Biyernes, Setyembre 16) ng Regional Trial Court (RTC) ng Malolos, Bulacan ang mosyon ni Geisler na itigil na ang pagdinig kaugnay ng kasong sexual molestation na isinampa ni Kurdi laban sa kanya sa Municipal Trial Court ng Bocaue.

Sa dalawang-pahinang order, binalewala ni RTC Judge Gregorio S. Sampaga ang dati niyang resolusyon sa mosyon para sa isyuhan ng temporary restraining order (TRO) at preliminary injunction na isinumite ni Geisler.

Nag-ugat ang mga kasong kriminal laban kay Geisler sa reklamo ni Kurdi noong 2009, kung saan inaakusahan niya si Geisler na nanghipo at nagsagawa ng “overt sexual acts” laban sa aktres habang nagsho-shooting para sa television series na “Suspetsa” ng GMA-7.

Kinasuhan ni Kurdi si Geisler ng acts of lasciviousness at unjust vexation.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abugado ni Kurdi, natutuwa silang wala na ngayong ‘legal obstacles’ na makapipigil sa pagsulong ng kaso.

Gusto na umano nilang makamit ang katarungan.

Nakaiskedyul ang susunod na pagdinig sa nasabing kaso sa October 5 kung saan maaaring tetestigo na si Jennylyn Mercado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply