Jetti Petroleum binuweltahan si Alvarez

BINUWELTAHAN ng pamunuan ng Jetti Petroleum ang Bureau of Customs (BOC) dahil sa malisyosong akusasyon kaugnay sa P4.1 technical smuggling case.

Ayon kay Joselito Tibayan Magalona, presidente ng Jetti Petroleum, ang kompanya ng langis ay hindi kailanman nandaya sa pagbabayad ng kaukulang buwis bilang obligasyon sa pamahalaan.

Pinabulaanan ni Magalona ang akusasyon ni dating Customs chief Angelito Alvarez na lumaki ang kanilang negosyo dahil sa iba’t ibang uri ng pandaraya na ikinalugi ng gobyerno dahil sa hindi tamang pagbabayd ng buwis.

Ani Magalona, mula Enero 2011 hangaang Hunyo 2011, ang Jetti ay nagbayad ng P471 million ng Valued Added Tax (VAT) at excise taxes.

Ipinaliwanag pa nito na nai-remit nila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kanilang consolidated tax documents at kinilala bilang “Best Vat Payer of the Year” kung ihahambing sa ibang kompanyag nagnenegosyo.

Dahil sa malisyosong akusayon na ikinasira ng pangalan ng kanilang kompanya, sasampahan nila ng kaukulang kaso ang outgoing Customs chief.

Bukod kay Magalona, sinampahan ng kasong techinal smuggling ang dalawang broker na sina Darwin Sujico at Daruio Amolata at ilang opisyal ng BOC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply