Jimenez sa DoT kuwestyonable pa rin

NANINDIGAN si Sen. Panfilo Lacson na sablay ang Malacañang sa agarang pagtalaga sa bagong kalihim ng Department of Tourism na si Ramon Jimenez.

Ayon kay Lacson, kahit pa sinabi ni Communications Secretary Ricky Carandang na acting capacity ang pagkakatalaga, mali pa rin ang proseso.

Giit ni Lacson, hindi maaaring italaga bilang acting chief ng isang departamento ng gobyerno ang taong galing sa labas ng pamahalaan gaya ni Jimenez na nagmula sa private sector.

Kinumpirma ito maging nang kaalyado ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na si Sen. Franklin Drilon.

Paliwanag ni  Drilon, ang inilalagay lamang na acting sa isang posisyon ay galing din dapat mismo sa loob ng departamento.

Ang tama aniyang proseso ayon kay Drilon, dapat ay itinalaga muna si Jimenez bilang presidential adviser on tourism at saka i-level-up bilang acting tourism chief.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply