Jimenez todong susuportahan ng Tourism Congress

TODO ang suporta na ibibigay ng Tourism Congress sa bagong kalihim ng Department of Tourism (DoT) na si Ramon Jimenez.

Tinukoy ng grupo na umaasa sila na gagamitin ni Jimenez ang kanyang kaalaman sa marketing at advertising para magpatupad ng seryosong reporma para sa pagpapalawig ng turismo na magbibigay-daan sa paglikha ng mga trabaho.

Binigyang diin pa ng grupo na ini-aalok nila ang kailang kooperasyon kay Jimenez para mapaghusay ang competitiveness sa industriya ng turismo at matiyak ang pangmatagalang paglago sa nasabing sektor.

Sa ilalim ng Tourism Act of 2009, ang Tourism Congress ang tumutulong sa gobyerno sa pagbalangkas ng mga patakaran para sa paglago ng nasabing sektor.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply