‘Jimmy Santos’, isa pa arestado sa shabu

ARESTADO ang kapangalan ng komedyanteng si Jimmy Santos, at isa pa nitong kasama makaraang magsagawa ng buy bust operation ang awtoridad sa Montalban.

Kinilala ni Supt. Donato Bait, hepe ng Montalban PNP ang dalawang naaresto na sina Jimmy Santos, 31, ng 26 Col. Cruz St., Brgy., Balite at Jap Perry Molina, 27, ng Blk-5 Lot-25, Daang Bakal St., Brgy., Mangahan, nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ni P03 Florante Moreno, dakong 11:55 ng umaga nang isagawa ang buy-bust operation sa bahay ng isang nagngangalang Jessica Aquino, sa Brgy., Geronimo, sa Montalban na ikinadakip ng dalawang  suspek.

Nabatid na aktong nagtatarya ng droga sina Santos at Molina nang maaresto ng

awtoridad kung saan nasamsam sa kanila ang siyam na plastic sachet ng shabu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply