Jinkee Pacquiao pinababantayan ni Pacman sa mga lakad

KUNG before ay si Jinkee ang selos to death sa kanyang mister na si Cong. Manny Pacquiao dahil ayaw ngang tigilan ng kung sinu-sinong sexy star ang kanyang Papa, although walang inamin in public ang hottest pugilist in the world today, marami ang naniniwalang totoo ang espekulasyon nang marami na pumapatol talaga siya sa mga na-link sa kanyang celebrity.

Ang latest nga na ang sabi ay imbento lang, ay nabuntis raw ni Papa Manny ang Starstruck avenger na si Princess Snell. Actually matagal nang natsitsismis ang nasabing global personality rito kay Princess pero di naman nakumpirma kung sila talaga nito.

Anyway, sa ngayon ay baligtad na raw ang sitwasyon. Tinatawanan na lang daw ni Jinkee ang mga babaing lumalapit sa kanyang husband dahil sa na-reinvent na nito ang kanyang sarili kung kaya nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanyang hitsura kung kaya malaki ang kanyang iginanda to the point na hawig na raw nito si Gretchen Barretto.

Wow! Siya na ngayon ang pinagseselosan ni Manny. As, in tsini-tsek na raw ngayon ng boxer/politician/actor ang lahat ng mga lakad ng kanyang misis to the point na pinababantayan raw niya ito sa kanyang mga tauhan.

Well, kung gugustuhin lang ni Mama Jinkee aba’y maraming hunk na papatol sa kanya pero matinong babae ito kaya malabong gawin niya ‘yun. Korek na korek gyud!

***

Direk Marilou Diaz Abaya alay kay Jesus at Mother of Penafrancia ang kanilang pelikula

KUMBAGA, part na rin kami ni BFFT Pete A. ng pinakabagong obra ng mahusay na director mula pa noong late 70s na si Direk Marilou Diaz Abaya na “Ikaw Ang Pag-Ibig” na pinagbibidahan ng anak ng magagaling na artista at director (the late Johnny Delgado and Laurice Guillen) din na si Ina Feleo na ginagampanan ang role ni Vangie Cruz na video editor na pangarap ay maging mayamang direktora.

Tampok rin dito sina Jomari Yllana, Marvin Agustin, Jaime Fabregas, Nonie Buencamino, Sharmaine Centenera, Yogo Singh at sa isang espesyal na pagganap ni Mr. Eddie Garcia.

Kaya namin nasabi na parte kami ng film ni Direk ay dahil once a year, (every month of October) ay bumibisita kami sa Our Lady of Penafrancia na pinag-shooting-an ng nasabing movie kung saan may panata kami rito ni Pete.

Napanood namin ang full-trailer ng Ikaw Ang Pag-Ibig at sobrang napahanga kami at na-touch sa ganda ng istorya at galing ng mga nagsisiganap dito.

Umiikot ang kuwento sa career woman na si Vangie Cruz (Ina Feleo) na ang buhay ay biglang makararanas ng pagbabago nang ang kanyang kapatid na newly ordained pa lamang na pari, na si Father Johnny (Marvin Agustin) ay na-diagnose na may Acute Myeloid Leukemia (AML). Si Vangie ngayon ang nakikitang puwedeng maging donor para sa bone marrow transplant para mabuhay si Father Johnny ngunit gusto niyang tumanggi.

Dahan-dahan siyang nakadarama ng pressure mula sa sariling pamilya. Dagdag pa riyan kinukulit siya ni Dr. Joey Lucas (Jomari Yllana) para magpakasal dahil nga siya ang ama ng kanilang love child. Sa gumugulong isip ni Vangie, nakadama ang pamilya nito na maging malapit kay Mahal na Birhen para patnubayan sila.

Di maglalaon, malalaman nila kung ano ang tunay nilang kailangan ngayon. Ang tunay na ikinagaganda ng Ikaw Ang Pag-ibig ay ang paghahayag at pagbibigay nito ng inspirasyon at optimismo sa mga manonood sa pagtakbo ng kanyang istorya. Tunay na inalagaan ni Diaz-Abaya ito na parang isang sanggol, patunay na isa siyang alagad ng sining at taong mapagmahal sa buhay. Kaya makikita sa obrang ito ang paniniwala ng director na ang bawat buhay ay di nawawalan ng pag-asa. Kaya minabuti ng director na pulido.

Nagkaroon ito ng Premiere Screening sa Ateneo de Naga sa Bicol at premier night last night sa SM Megamall Cinema. Nagkamit pa ito ng pinakamataas na Grade A mula sa Cinema Evaluation Board. Buong puso itong ini-endorso ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at ng Manila Archdiocesan ganoon na rin ng Parochial Schools Association, Inc. (MAPSA). At heto pa, pro-bono o hindi nagpabayad ang mga artistang kalahok rito kaya blessed ang project na ito na pinagtulungang i-produce ng Archdiocese of Caseres, Marilo Diaz-Abaya Film Institute at ng Art Center.

Palabas na ito sa mga sinehan sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply