Jinkee Pacquiao reyna ng mga retokada

TOTOO kayang sobrang insecurity ang dahilan kung kaya pagpaparetoke ng physical body ang naging paboritong pastime ni Jinkee Pacquiao. Ngayon, kasi may tag bilang reyna ng mga retokada ang misis ni Pacman, sa rami ng procedures na ginawa sa kanya. Is it obvious na sabihing total overhaul ang pinagdaanang proseso kung bakit maganda ngayon si Jinkee? Na dati, bakas na bakas sa hitsura niya ang kahirapan na kahit na mestisilyang bangus ito, amoy mahirap talaga siya.

Pero ngayon, hitsura talaga ng isang starlet na trying hard sa beauty ni Jinkee.

Hahaha!

At pati ugali ni Jinkee, mukhang sumabay na sa pagiging retokada niya. Buong ningning na siyang nagsasalita na may kayabangan. Imagine, nakapagsasalita siya na bibigyan niya ng isang Hermes bag ang sino mang makapagpapatunay na na may babae ang kanyang mister. The height of being haughty, kumbaga. Bakit lingid ba talaga sa kanya na may mga babae si Pacman?

At dahil nga kampante na si Jinkee na maganda siya ngayon, hindi na raw siya apektado anumang tismis ang kumalat tungkol sa di umano’y kahiligan sa mga chicks ng Pambansang Kamao. Na wala raw balak makipag-agawan pa si Jinkee Pacquiao sa natsi-tsismis na mga babae ngayon ni Manny.

Yes, hindi lang isa kundi marami ang mga babaing nali-link ngayon kay Pambansang Kamao. Na-link siya kay Princess Snell, na umano binigyan ni Pacman ng condo unit at sasakyan. Dinenay na ito ni Princess, pero pogi at desirable yata talaga si Pacman kaya may tsismis pang nanganak na umano ang isa pang babae na kanyang ibinahay somewhere in Laguna.

Tapos heto nga, may pumutok kamakailan lang na isa namang kolehiyala ang umano, ibinabahay ni Manny sa isang exclusive village sa Makati.

Ang sabi-sabi, hindi man daw nagpapakita ng pagkairita si Jinkee, halata naman daw na apektado ito sa tsismis.

Ang lagi raw nitong ginagawa, magpaganda nang magpaganda, to the point na nagpapa- retoke na (halos hindi na nga siya makilala), para lang patunayan sa lahat na siya pa rin ang inuuwian ng asawa at nasa kanya ang kayamanan nito.

Inilaglag sa ere si Sarah G…
Si Cristine Reyes ang pininili ni Rayver Cruz

Obvious ba na si Sarah Geronimo ang pinarurunggitan ni Cristine Reyes when she said na di siya naghahabol ng lalaki  Na kapag may karibal siyang babae, pinamimili agad niya ang lalaking tinutukoy niya.

Hindi ba mahaba yung noo’y kontrobersya sa kanilang tatsulok? Naging mukhang kawawa noon si Sarah G dahil sa bandang huli inilantad nina Cristine at Rayver ang relasyon nila.

Sa mga statement ngayon ni Cristine, hindi kaya muling humapdi ang puso ni Sarah G? Na kung noon, walang diretsahang salita, pero ngayon, malinaw na iniwan siya sa ere at si Cristine nga ang pinili nito.

O baka naman naka-move on na si Sarah at hinahalakhakan na lang ang kasawian niya.

Sabi pa ni Cristine. “Sa ganda kong ‘to, maghahabol ako sa lalaki, kung ayaw nila sa akin, ayaw ko rin.

“If I learn may iba na siya, di ako hahabol. I’ll make him choose. If he’d choose the other one, okay lang. It means he’s not for me. Hindi ko ipipilit ang sarili ko dahil ang dami namang lalaki diyan at ang ganda-ganda ko, ‘no?”

So there!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply