Jinkee Pacquiao umaming nagtaksil si Pacman

LUMANG istorya na yung sinasabing naging affair ni Manny Pacquiao kay Krista Ranilio. Kumbaga, bilasa na ang isyung ito. Pero biglang nagkaroon ng twist sa istorya dahil sa halos pag-amin ni Jinkee na talagang nagkarelasyon ang asawa niya sa semi-retired ng starlet.

Marami nga ang nagulat sa mga pahayag ni Jinkee tungkol sa relasyon nila ng asawang si Manny, lalo na sa kainitan ng tsismis noon tungkol sa supposed affair niya kay Krista.

Ngayon lang inilabas ni Jinkee ang kanyang saloobin dahil pakiramdam niya’y nanalo siya sa isang giyera. Marami ang di nakaaalam na for four months, her marriage was in turmoil. Umabot nga sila sa puntong muntik na silang maghiwalay. Hinamon na nga raw niya si Manny ng hiwalayan, pero umiyak ang magiting na boksingero at doon niya na-realize na talagang mahal siya nito.

And credit Jinkee for holding on dahil na rin sa mga anak nila. Nagdasal din siya nang todo hanggang matapos ang unos sa kanilang buhay. Ngayon, maayos na ang lahat at alam naman natin na lumagay na rin sa tahimik si Krista.

Sabi nga, not all the money in the world can bring happiness, peace and quiet in one’s home.

But very recently, mukhang may bagong gusot sa buhay ng Pambansang Kamao. Diumano, may ang isang starlet itong nabuntisan. May denial na sa kampo ng starlet, but the issue doesn’t end there.

Tiyak hahaba pa ito.

So there!

***

INILIBAS na ng PMPC (Philippine Movie Press Club) ang mga nominado para sa 3rd Star Awards for Music.

Sa ikatlong taon, magbibigay-ningning ang mga tao sa likod ng musika tulad ng mga kompositor at mang-aawit sa isang tunggalian para sa pinakamahuhusay sa kani-kanilang kategorya.

Sa Album of the Year, nominado ang All Me ng Star Records, Cesar Montano ng Sony Music, Fantasy ng Universal Records, One Heart ng Viva Records, Private Affairs ng Polyeast Records, Siakol Tropa ng Synergy Music at Talumpati ng Sony Music.

Sa Song of the Year naman, ang mga nominado ay Can’t Help Myself, Toni Gonzaga/Star Records; Darating ang Araw, Cesar Montano/Sony Music; Ituloy Mo Lang, Siakol/Synergy Music; Maghihintay, Mark Alain/Sony Music; Patuloy ang Pangarap, Angeline Quinto/Star Record; Sino Nga Ba Siya?, Sarah Geronimo/Viva Records; at Walang Natira, Gloc 9/Sony Music.

Sa Female Recording Artist category, nominado sina Frencheska Farr, Kyla, Lea Salonga, Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga at Vina Morales.

Nominado naman sina Cesar Montano, Christian Bautista, Jed Madela, Erik Santos, Gary Valenciano, Jim Paredes, Ogie Alcasid at Martin Nievera sa Male Recording Artist category.

Ilan lang ’yan sa mga kategoryang paglalaban-labanan sa Star Awards for Music na gaganapin sa Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila, QC, sa Oktubre 16 mula sa produksyon ng Beginnings at 20 Plus.

Pararangalan din ang Superstar na si Nora Aunor ng Lifetime Achievement Award.

***

Aljur Abrenica mahirap kausap

HETO na naman, nawala rin si Aljur Abrenica sa cast ng Hitman, a movie starring Cesar Montano and Sam Pinto. Personal choice sana siya ni Cesar kaya lang di umubra si Aljur. Ayaw daw kasing tumanggap ng bad boy role si Aljur kaya sa halip, si Mark Herras ang naging kapalit niya.

Nauna rito, nawala rin si Aljur sa cast ng Panday, na kahit gumastos na sa kanya ang Imus Productions, tinanggal na siya dahil sa impossible sked nito. Kumbaga, sa inis ng mga tao sa Panday, mas pinili na lang nila sa palitan ang pasaway na hamonadong aktor.

Ewan nga ba rito kay Aljur. Masyadong mahirap kausap. Feeling yata nito, ganoon na siya kalaking artista kaya nagpapaimportante.

Hindi kaya isang araw, magising na lang itong wala na palang kumukuha sa kanya?  Kung ganyang mahirap silang ka-deal, sino naman ang magtitiyaga sa kanila?

Ayan nga, zero siya sa GMA 7, meaning mukhang hindi na naman sila interesado pa kay Aljur. Kitam, sa ibang aktor napupunta ang mga magagadang role kasi nga mahirap kausap si Aljur Abrenica.

Sa true, hindi naman siya kaguwapuhan at mas lalong hindi naman siya kagalingan umakting.

Jovit Baldivino, Bugoy Drilon and Juris lead UK Derm concerts.

Habang nagtatagal, higit pang lumalaki ang pangalan ni Mr. Louie Gamboa sa industriya ng entertainment. Mula sa Erase Placenta fame, nakilala rin ang kumpanyang UK Derm and lately nga yung UK Resort na paboritong pag-taping-an at pictorial venue ng mga beauty pageants. Very recently, dumayo pa sa naturang resort sa Sta. Cruz, San Simon, Pampanga ang “Umagang Kay Ganda” upang dun i-remote ang ilang segments ng morning show. Maganda kasi at class ang facilities ng UK Resort na talaga namang ipinagmamalaki ni Mr. Gamboa.

Birhday ni Mr. Louie nitong September at puwedeng sabihing mas dumarami pa ang suwerteng dumadapo sa kanya. Bukod kasi sa isa siya sa tatlong major producers ng TONI @10 sa Araneta ng Coliseum, patuloy sa paglaki ang business niyang hinahawakan.

By the way, si Toni Gonzaga po ang bida sa Toni @10 at bale tribute concert nga ito para sa kanyang ikasampung anibersaryo sa showbiz.

Isa si Toni sa mga offical na product endorsers ng UK Derm kaya ganun na lang ang suporta sa  kanya ni Mr. Louie.

And did you know nagbibigay po ng kasiyahan ang UK DERM sa kanilang publiko. Kapalit ng matinding suporta sa kanila, UK Derm is putting up some big shows and concert sa mga iba’t ibang probinsyang lumalabas ang kanilang produkto.

Narito po ang line up petsa at artists ng kanilang, mga scheduled events: October 1, Juris, Santiago City, October 28 & 29 Jovit Baldovino, Bugoy Drilon, and Liezel Garcia at Marikina and Baguio
Convention Center respectively, Riverbanks Amphitheater  in Marikina. And on November 4 & 5, also Jovit, Bugoy and Liezel at UK Leisure Park In San Simon abd Batangas State University resectively.

Abangan po ninyo!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply