John Prats nabago ba ni Bianca sa pagiging ‘kiss and tell?’

MEDYO may nagbago kay John Prats nang sabihin sa isang interview na hindi siya ‘yung tao na ipinangalandakan ang kanyang lovelife. But going back, hindi ba ang pagiging ‘kiss and tell’ nito ang hindi nagustuhan ni Shaina Magdayao noong magsyota pa sila? Mismo raw ang aktor ang nagkakalat ng lover’s quarrel nilang dalawa kaya biglang nag-change of heart ang aktres and the rest is another historia de un amor!

Aba, nagbago na nga! He has learned from his past lessons dahil sa ngayon, ayaw na nitong magsalita at hinahayaan ang mga nakakikita sa sweetness nila ni Bianca Manalo as in, what you see is what you get!

Inamin ng aktor na ang kanyang co-host sa “Happy Yipee Yehey” ang nakakapagsaya sa kanyang puso. Hangga’t maari ay panghuling babae na ito sa kanyang buhay dahil pagod na siya sa papalit-palit ng syota.

Naalaala tuloy namin si Madam Suzette Arandela. Isang big check para sa kanya dahil itinuro nito base sa tarot cards na si Bianca ang cause ng John-Rachelle Ann Go split-up. Although nang hulaan nito ang dalawa ay nasa stage of getting-to-know each other pa lang ang dalawa. Pero siniguro nito na magkakadebelopan ang dalawa and presto! Umamin na ang aktor sa kanyang relasyon sa co-host ng HYY.

Hinulaan din ni Madam Suzette sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli dahil sa nangyaring insidente sa Star Magic Ball between Coco Martin at Matteo. Sinundan ito nang pag-amin ng aktres sa “The Buzz” na magsyota sila ni Matteo pero hindi nito alam ang patutunguhan ng kanilang relasyon dahil sa pangyayari.

Ayon kay Madam Suzette, walang lihim na relasyon o special commitment sina Maja at Coco. Kung nagkaroon man daw ng smuck kiss ang dalawa sa nasabing event ay dahil sa naging malalim na samahan nila sa katatapos na  “Minsan Lang Kita Iibigin.”

Dagdag nito, committed na si Coco at si Matteo naman ay kay Maja.

***

Sharon Cuneta gustong makatrabaho si Nora kahit isa siyang Vilmanian

KUNSABAGAY walang batas na kahit identified ka sa isang artista ay hindi ka puwedeng makatrabaho ang artistang katapat ng paborito mong artistang in terms of popularity and acting skill. ‘Ika nga, Sharon has all the freedom to work with Nora Aunor.

“Of course, she is the one and only Superstar. It’s an honor to be working with her.”

Kapansin-pansin ang magandang nagawa sa kanya ng pagho-host sa “Biggest Loser” ng ABS-CBN dahil nakipagsabayan siya sa pagpapayat ng mga contestant. She has just lost more than 20 pounds and still religiously undergoing her dietary session.

The good news to their fans, gagawa siya ng movie with her ex Gabby Concepcion next year and what is exciting, posibleng back to normal ang kanyang pangangatawan.

But how true na gusto pa nitong magka-baby? siguro etching lang ito ng Megastar dahil kung kelan pa ito pumayat eh, babalik na naman siya sa pagtaba dahil sa pagbubuntis.

Good to know, Sen Kiko is already happy and contended with the three girls in the family.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply