Jologs sa Singapore isang tagumpay (2)

NAGING matagumpay ang negosyong restaurant ni Sheryl Boquiren at hindi nagtagal ay lumaki at lumago ito.

Subalit tunay ngang ang bawat tagumpay ay may kaakibat na pagsubok at nangyari ito nang magpasiya ang may-ari ng lugar na kinatatayuan ng restaurant ni Sheryl na ipasara ang nasabing lugar.

Dahil dito ay napilitan si Sheryl na isara rin ang kanyang negosyong kainan.

Naging dahilan ang pangyayaring ito upang mawalan siya ng loob sa pagnenegosyo na may kinalaman sa pagkain, kaya’t pansamantala ay nilibang muna niya ang kanyang sarili sa ibang bagay gaya ng pagbebenta ng mga painting.

Subalit dahil talagang sadyang sa negosyo ng pagkain siya nalilinya ay muli siyang nahikayat na magbukas ng isang restaurant taong 2006, dahil na rin sa suporta ng kanyang asawa.

At dito na nga nagsimulang maitatag ang JOLOGS Bistro – isang kilalang tapsilogan sa Singapore. “Jologs talaga starts with my husband’s name Jojo and then the many “silogs” na sine-serve namin kaya Jologs,” ani Sheryl.

Sa kasalukuyan ay kinikilala at pinupuntahan hindi lang ng mga Filipino sa Singapore ang JOLOGS na masasabi nating sumasalamin at nagpapakilala hindi lamang ng masasarap na mga lutuing Pinoy kundi pati na rin ng ating kultura bilang mga Filipino.

Sa kwento ni Sheryl ay nakita natin na hindi dapat maging hadlang ang minsang pagkabigo upang tayo ay tumayo at magpatuloy sa buhay.

Dahil sa bawat pagbagsak at pagtayo ay may tagumpay na darating at makakamit.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: Biyaheng Langit/Kasangga Mo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply