Jologs sa Singapore tagumpay

SINO ang mag-aakala na  ang isang JOLOGS ay kikilalanin at magtatagumpay sa bansang kung tawagin ay ‘Fine City’ –  ang Singapore?

Sa aking pagbisita sa bansang Singapore ay napukaw ang aking pansin ng isang restaurant doon, hindi lamang dahil sa mga masasarap nitong pagkain, kundi pati na rin dahil sa kakaiba nitong pangalan – JOLOGS.

Dito sa ating bansa ay mayroong ‘di masyadong magandang imahe o kahulugan ang salitang ito, subalit para sa mga Pinoy sa Singapore, nangangahulugan ito ng ‘tagumpay.’

Aking inalam kung ano ang kwento sa likod ng tagumpay ng restaurant na ito na itinatag ng ating kababayan na si Sheryl Boquiren.

Lumaki si Sheryl dito sa Pilipinas, sa Makati sa baryo ng Bangkal.

Nasimulan niyang matuklasan ang kanyang natatanging ‘passion for food’ dahil sa kanyang kaibigan na si Susan Senares na nagmamay-ari ng Josephines restaurant.

Ito ang naging daan para maisip niya na maari niyang pasukin ang industriya ng pagkain.

“Sabi niya mas masarap pa akong magluto kaysa sa cook nila sa Josephines so it started there,” saad niya.

Taong 1998 nang magsimula si Sheryl sa kanyang catering business.

Noong una’y sa bahay lamang niya ang sentro ng kanyang negosyo, ngunit hindi nagtagal ay nagdesisyon na rin siyang  magbukas ng isang restaurant.

“Habang tumatagal, yung mga client tinatanong nila: wala ba kayong restaurant or bistro na pwedeng puntahan?

“So in 2000 we decided to put a small one, very small, just a 15 seater  to test the waters. So ayun naging successful. From then on, we called it Café Calle Real Restaurant,” kwento sa akin ni Sheryl. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply