Joross Gamboa nalaos dahil sa tsismis na ‘dyuts’

NAKATATAWA naman ang sapantaha at obserbasyon ng ilang movie scribes na kaya raw nalaos si Joross Gamboa dahil sa tsismis na “dyuts” ito. Ano naman kaya ang koneksiyon ng ari nito sa kanyang career?

Well, once raw na nalaman ito ng mga kabadingan na kulang sa sukat si ‘Manoy,’ katakut-takot na tsismis umano ang mangyayari at kakalat nang kakalat ito hanggang sa kulang na lang ay magkaroon ng demontrasyon ang mga baklita at isigaw sa daan ang kaliitan ng taong tinutukoy nila. Hahaha!

Parang totoo nga, dahil wala na kaming ibang naririnig sa apat na kanto ng showbiz kundi dyutay si Joross, na kesyo matitinga lang ang magiging karelasyon niya.

Alam naman natin na karamihan sa mga may posisyon sa malalaking TV network ay mga vaklung di ba? So, imbes na kunin nila ang binata para bigyan ng project ay isinasantabi na lang ang ideyang iyon dahil nga sa nasabing tsika.

Hindi naman natin sinasabing kaya siya kukunin ng isang gay manager para churvahin kaya ayaw nito sa kulang sa sukat na pututoy, magiging tampulan kasi sila ng tsismis na kesyo kumuha sila ng alagang sa bata ang batutoy.

‘Yan ang hirap sa sabi-sabi, kahit hindi naman totoo, pag kumalat at pinagpyestahan, tiyak na paniniwalaan na ng karamihan.

Aba’y sa totoo lang, hindi kami agree sa isyung ito sa binatang nagsimula sa Star Circle Quest bago sumikat. Halata naman kasi sa mga pictorial niya na may ipagmamalaki rin siya.

Ang nagsasabi siguro nun ay ‘yung mga babaing mala-English Channel na ang “hinaharap” at mga bikeng ang mga bibig ay kasinglaki na ng bukana ng kweba. Hahaha!

Anyway, malalaking istasyon ang pinagsimulan ni Joross. Nagsimula siya sa ABS-CBN hanggang sa mapunta sa GMA-7 at ngayon ay sa TV5. Ang tanong, bakit sa Kapatid network ay parang cheap na ang tingin sa kanya?

Sayang naman ‘yung kanyang effort na pagandahin ang kanyang katawan kung ibabagoong lang siya.

***

700 thou na tulong para sa taong may sakit ibinulsa ni actor/politician

IBINULSA ng actor/politician ang halagang p700,000.00 na tulong para sa naghihirap at may sakit na TV host. Inutay-utay ito ng una sa paglapit sa isang pilantropong engineer na walang kamalay-malay na iniisahan lang pala siya nito.

Sa nabanggit na halaga, kasama na roon ang 40 thou na pang-birthday raw ng aktor na nagkaroon ng maraming pelikula noon na ang tema ay tungkol sa mga gangster. Ang masaklap, humingi ng panghanda ang loko sa mabait at mapagbigay na enhinyero pero matapos na makuha ang datung hindi man lang inimbita ang taong nag-isponsor sa kaarawan n’ya.

Tinipid pa nga raw ang pera dahil ang sabi nito kay engineer sa isang resto niya gagawin ang birthday party, ‘yun pala sa kanyang bahay lang.

Clue: Naging konsehal siya ng isang ciudad sa Maynila, dating member ng isang defunct band group. ‘Yun na!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply