Joseph Bitangcol one month na lang makakabalik na sa showbiz

ONE month na lang pala buhat ngayon ay makakabalik na si Joseph Bitangcol sa mga assignment niya sa showbiz. Hinihintay na lang maghilom ang mga sugat na tinamo niya sa aksidente kung saan kinailangan na ma-operahan ang kanyang mukha.

Nilagyan ng titanium metal kanyang panga sa mukha at may natitirang scar na lang sa may kanang mata niya kaya lagi siyang naka-sunglasses ngayon.

Sa mga operasyong pinagdaanan niya na ang gastos ay galing sa mga taong tumulong sa kanya, lubus-lubos siyang nagpapasalamat.

Sa interview sa kanya ng “Paparazzi” last Sunday, nasabi niya na hindi pala lahat sa showbiz ay plastic. May totoo pa rin na handing tumulong sa iba kahit hindi mo sila ganoong kakilala.

Nag-iimbita si Joseph sa mga taong nagmamahal sa kanya na pumunta sa benefit show para sa kanyang gastusin sa pagpapaospital. Ang proceeds nito ay ipambabayad sa pagpapagamot ni Joseph. Magaganap ito bukas, Sept 15, sa Zirkoh Morato.

000

HINDI talaga mapigilan ang nararamdaman nina Nadine Samonte at Leandro Munoz ngayon. Kahit kasi malayo si Leandro, naka-online naman silang dalawa para magtsika nang anumang nangyayari sa kanilang dalawa.

Ganyan daw talaga ang mga taong in love. Basta’t may pagkakataon mag-usap ay hindi sila nawawalan ng oras sa isa’t isa.

Sandali lang naman si Leandro sa America dahil binisita ang kanyang anak doon. Babalik agad siya para sa taping ng Felina, Prinsesa ng mga Pusa. Kapartner si Leandro ng lead star na si Arci Munoz.

Si Nadine ay busy ngayon sa malapit nang matapos na taping ng “Sa Ngalan ng Ina,” ang first mini soap ni Nora Aunor sa pagbabalik ng Pilipinas. Balitang first week na ng October ang simula ng airing ng soap sa TV5.

Lalabas si Nadine bilang step daughter ni Nora. Bida-kontrabida siya sa soap.

000

MARAMING revelations na ipinakita si career ni Lovi Poe sa movie na My “Neighbor’s Wife.” Imagine, ang bilis ng transformation ni Lovi bilang teenage-actress, tapos ngayon at age 22 ay masasabi nang mature actress na siya dahil sa ipinakitang performace niya sa movie.

Mabibigat na eksena ang kanyang pinasukan sa movie dahil ngayon lang niya ito ginawa na makipag-bedscenes, di lang kay Dennis Trillo, kundi pati kay Jake Cuenca.

Pati mga lengguwahe ni Lovi, buong ningning talaga niyang nai-deliver. Talagang nakikita na ngayon kay Lovi ang pagiging great actress niya at so young an age.

Kaya naman ang Regal ay binigyan agad siya ng movie, ang “Aswang,” na revival ng movie ni Alma Moreno nung 80s.

Kapartner niya sa movie si Paulo Avelino, ang bagong hunk actor na produkto ng Starstruck 4 ng GMA 7.

000

JC Tiuseco nakapagpa-opera ng papa sa St. Lukes

SUCCESSFUL ang operasyon ni JC Tiuseco sa St. Lukes Hospital recently ng kanyang paa na nakuha na ang pinsala na di gumagaling sa paglalaro ng basketball. Matagal na niya ito gustong ipaopera kaya lang busy siya sa soap ng “Sisid.” Tinapos na muna niya ang commitments sa Sisid bago ginawa ang operasyon.

Bukod pa rito ay natapos na niya rin ang participation sa isang movie na bida sina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion kung saan kasama rin si Pokwang. Tapos na rin ang pictorial niya sa Folded and Hang.

Sa pagtatapos sa Friday ng Sisid, ibang JC ang napanood sa soap. Puedeng-puede na siyang maging bida at isabak na sa drama.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply