JRU magpapasabog para makasampa sa F4

ISANG panalo na lang at pasok na sa Final Four ang defending champion San Beda College Red Lions habang kailangan namang manalo ng Jose Rizal University Heavy Bombers upang manatiling buhay ang pag-asang makasampa sa F4.

Pihadong magiging mainitan ang labanan sa pagitan ng Red Lions at Heavy Bombers sa malapit ng magtapos na second round eliminations ng 87th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan, bukas (Miyerkules, Setyembre 14).

Maghaharap ang SBC at JRU sa ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng laban ng sigurado ng pasok na San Sebastian College Stags at kulelat na Perpetual Help Altas.

Hawak ng Baste ang 10-1 win-loss slate kung saan ay solo nito ang pangatlong puwesto.

Nasa top spot naman ang SSC na may malinis na 13 wins habang nasa pangalawang puwesto ang Letran Knights na may 11-2 record.

Kung sakaling manalo ang Red Lions ay isang slot na lamang ang pag-aagawan ng pitong natitirang teams.

Naka-puwesto ang Mapua Cardinals sa fourth spot na may 6-7 panalo-talo karta habang magkasalo sa fifth to sixth places ang guest team Lyceum of the Philippines Pirates at College of Saint Benilde Blazers na may 5-8 card.

Parehong 4-9 karta ang tangan ng Emilio Aguinaldo College Generals at JRU.

May 4 na panalo naman sa 14 na laro ang Arellano U Chiefs at 3-11 ang kapit ng Altas.

Galing sa panalo ang Heavy Bomber kamakalawa kontra Chiefs, 79-69 habang galing naman sa 12 araw na bakasyon ang Red Lions.

Sa juniors, nasa ikaapat na upuan pa rin sa 9-4 record ang Brigadiers nang pasukuin ang Junior Altas, 75-70, habang siningitan ng Baby Chiefs ang Light Bombers, 55-53, para sa 5-9 marka.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply