Juan Manuel Marquez nagpasalamat sa mga Pinoy

MASAYANG nagpasalamat si Mexican Boxer Juan Manuel Marquez sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Filipino bago ito umalis ng bansa kaninang umaga (Lunes, Setyembre 5).

Si Marquez ay sumakay sa Delta Flight 172 patungo sa Narita, Japan at doon kukuha ng connecting flight patungong Estados Unidos.

Nakatakdang magtungo sa Amerika at bumalik sa Mexico si Marquez upang ituloy ang world promotion ng kanyang laban kay Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa Nobyembre 12.

Bago umalis ng bansa, sinabi ng trainer nito na si Mexican Legendary Ignacio Nacho Beristain na magugulat umano si Pacquiao sa mismong araw ng kanilang salpukan.

Sinabi ni Beristain na walang talab ang tila pangmamaliit ni Pacman sa edad ni Marquez na matanda na umano kaya nawala na ang lakas at bilis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply